BFP R4A Naic Fire Station
This page is all about Bureau of Fire Protection Naic, Cavite Activities and Events.
03/06/2026
11/05/2026
PAALALA SA PUBLIKO
Mahigpit na pinapaalalahanan ng Bureau of Fire Protection CALABARZON, sa ilalim ng pamumuno ni FCSUPT ROY RODERICK P AGUTO, DSC, Regional Director, ang publiko na maging mapanuri at mapagmatyag laban sa mga indbidwal na nagpapakilalang kawani ng Bureau of Fire Protection at nagsasagawa ng hindi awtorisadong fire safety inspection.
Pinaaalalahanan ang lahat ng may-ari ng establisyemento, negosyo, at maging ang mga mamamayan na ang mga lehitimong tauhan ng BFP na nagsasagawa ng inspeksyon ay laging may dalang opisyal na BFP Identification Card, Inspection Order, at iba pang kaukulang dokumento bilang patunay ng kanilang awtoridad at legal na tungkulin.
Hinihikayat ang publiko na huwag basta magpapasok o makikipagtransaksyon sa sinumang indibidwal na hindi makapagpakita ng wastong dokumento o nagpapakita ng kahina-hinalang kilos kaugnay ng fire safety inspection, pagproseso ng permits at clearances, o pagbebenta ng fire safety equipment.
Para sa kaligtasan at proteksyon ng lahat, agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng BFP o sa lokal na kapulisan upang beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga nagsasagawa ng inspeksyon.
Ang Bureau of Fire Protection CALABARZON ay nananatiling tapat sa pagpapanatili ng integridad ng serbisyo publiko, pagpapatupad ng fire safety laws, at pagbibigay ng maayos, propesyonal, at mapagkalingang serbisyo para sa kapakanan ng sambayanan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |