Subicbroadcasting Corp

Subicbroadcasting Corp

Share

Subic Broadcasting Corporation is a duly licensed radio and television network that is committed to

30/03/2016

Bangkay ng Isang Lalaki, Nakita sa Ilog ng Mactan
Alvin F. Ramos

Olongapo City--Bangkay ng hindi pa natutukoy na lalaking nasa pagitan ng bente anyos pababa,natagpuan kanina, pasado alas singko ng hapon na nakataob sa ilog ng Mactan.

Ayon sa nakakita, napansin niya ang paglutang lutang ng damit ng biktima na sa una ay hindi niya naisip na tao pala iyon.

Nang matiyak, kaagad niya itong ipinagbigay alam sa mga Barangay Official na naroroon.

Walang nakakakilala sa bangkay at hindi pa rin malaman ang naging sanhi ng kamatayan nito dahil wala umano silang nakita na sugat sa katawan nito at hindi rin umano ito nalunod.

Ayon sa mga otoridad, isasailalim pa sa autopsy ang mga labi nito kasabay ng pagsasagawa ng masusing imbestigasyon.

Photos 06/02/2015

SBMA Chairman Roberto Garcia nagbigay ng palugit sa AIS

Nagbigay ng palugit si SBMA Chairman Roberto Garcia na hanggang katapusan ng Hunyo taong kasalukuyan ang pamunuan ni Lee na maibigay ang contractual obligations na kailangan masagot base sa mga reklamo ng mga magulang tulad ng international affiliation, ang pagkawala ng mga foreign teachers partikular ang mga American teachers at ang mga bschool supplies at equipments tulad ng mga computers at iba pa.

Dapat umanong magkaroon ng kasagutan ang lahat ng ito upang matupad ang kanilang contractual and legal commitments.
Bukod dito may mga proposals umano ang mga magulang na sila na ang magpatakbo pansamantala ng eskwelahan ngunit hindi ito pinayagan ni Garcia.

Dahil na rin sa nagampanan naman ng lease holder ang kanyang major obligation kung saan nakapagbayad nang kanilang arrears na nagkakahalaga ng mahigit 12 million pesos kung kaya ipinaubayang muli sa lee group ang pamamahala sa pagpapatakbo ng eskwelahan Habang Law Enforcement Department naman ang mangangalaga sa seguridad ng eskwelahan hanggang matapos ang pasukan.

Photos from Subicbroadcasting Corp's post 06/02/2015
Photos from Subicbroadcasting Corp's post 06/02/2015

COAL PLANT PROJECT, BABANTAYAN PA RIN

OLONGAPO CITY--Sa kabila ng inilabas na direktiba o desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pagsang-ayon sa pagpapatayo sa RP Energy Coal Plant, mariin pa rin daw itong tututulan ng mga concerned group dahil sa mga hindi magagandang idudulot nito sa kapaligiran, na posible rin na makapagbigay ng problema sa mamamayan.

Ito ay may kaugnayan sa pagtatayo at operasyon ng 600-megawatt coal-fired power plant na proyekto ng Redondo Peninsula Energy Incorporated sa Subic, Zambales.

Matatandaan na naghain ng Writ Of Kalikasan Petition laban sa nasabing proyekto noong July 2012 si dating Bayan Muna Party List Representative Teddy Casino at grupong No-To-Coal kung saan ito ay ibinasura ng Korte Suprema dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Sa pahayag ni Kabataan Party-List Representative Terry Ridon, handa aniya silang mag-file ng motion for reconsideration sa sandaling matanggap na nila ang kopya ng nasabing disisyon.

Ganito rin halos ang sinabi ni Zambales Vice Governor Ramon Lacbain.

Ayon sa bise-gobernador, hindi rin sila pabor ay kanila na lamang aniyang imomonitor ang proyekto partikular ang pagsunod ng Rp Energy Sa Laws And Regulations On Environmental And Health Protection na nakasaad sa ibinigay na Environmental Compliance Certificate.


Samantala, nagbigay naman ng saloobin ang environmental group na Subic Bay Chamber For Health And Environment Conservation at tinawag na “dying fuel” ang itatayong coal plant at pinaniniwalaan nila na ito ay magkakaroon ng problema sa loob ng sampung taon at may posibilidad na i-banned ng buong mundo.

Ang grupong ito na mariing tumututol sa coal plant project ay binubuo ng civil society groups, local government units, indigenous peoples at mga residente mula Olongapo, Bataan at Zambales, kung saan aktibong nakikilahok at nakikiisa sa mga programang may kinalaman sa pagtutol sa coal plant.


Samantala, umapela naman ng tulong ang grupo mula kay Meralco President at Chief Executive Officer Oscar Reyes, dahil bilang top executive ng isang oil company at may malawak na kaalaman sa natural gases, hinihiling nila na ikunsidera at tulungan na maipaabot sa stakeholders ang kanilang hinaing na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa Subic Bay kung saan nais na mapanatili ang preserbasyon ng kalikasan at kalusugan ng mga naninirahan doon.

04/02/2015

Para sa kaalaman ng lahat.

This page is scheduled for deactivation to pave way to our new home which is clickable at the bottom of this post. Thank you for your support. Everything we do, we do it to inform you.

Abangan ang bagong-bihis at mas pinalakas na puwersa ng SBC News and Public Affairs.

https://www.facebook.com/pages/Subic-Broadcasting-Corporation/440081276142842?sk=info&tab=page_info

Subic Broadcasting Corporation Subic Broadcasting Corporation is a duly licensed radio and television network that is committed to provide up to date and dependable public service.

Want your business to be the top-listed Media Company in Olongapo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


5th Floor, Admiral Royale Building, 17th Street Cor. Anonas St. , West Bajac-Bajac
Olongapo
2200