MetroBataan DevelopmentAuthority

MetroBataan DevelopmentAuthority

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MetroBataan DevelopmentAuthority, Government Organization, Brgy. Doña, Express Way, Orani.

20/06/2026

HAPPY FATHER’S DAY!

Ngayong Araw ng mga Ama, taos-puso naming binabati ang lahat ng ama at mga tumatayong ama sa kanilang pamilya.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, lakas, at paggabay. Kayo ang haligi ng tahanan, inspirasyon ng inyong mga anak, at tunay na mga bayani sa araw-araw.

Nawa’y suklian kayo ng pagmamahal, paggalang, at pagpapahalaga hindi lamang ngayong Father’s Day, kundi sa bawat araw.

Maligayang Araw ng mga Ama!

From: Metro Bataan Development Authority (MBDA)

Photos from MetroBataan DevelopmentAuthority's post 01/06/2026

🚧TRAFFIC UPDATE🚧
📍Location: Walter Mart Balanga / Camella Balanga
📅Date: 06/01/2026
⏱️Time: 11:45 AM
Naialis na po ang bumagsak na puno sa tabi ng Walter Mart Balanga na nangyari kaninang 9:55 ng umaga. At sa area ng Camella Balanga na tumaas ang tubig gawa ng pag bara ng mga debris sa drainage.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa pamunuan ng DPWH2 Maintenance Team sa mabilis na pag tanggal ng nabuwal na puno at pag alis ng baradong drainage sa nasabing lugar .
📢 Paalaala sa mga motorista:
Pinapayuhan ang lahat na magdahan-dahan at mag-ingat sa pagmamaneho habang binabaybay ang Roman Expressway, at manatiling alerto sa lahat ng oras.
Ang MBDA ay patuloy na nagpapatrolya 24/7 upang matiyak ang kaayusan ng trapiko at kaligtasan ng mga motorista sa Roman Expressway.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa.

Photos from MetroBataan DevelopmentAuthority's post 30/05/2026

🚧𝐓𝐑𝐀𝐅𝐅𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 UPDATE🚧
📍Location: 4 Lanes, Balanga
⏱️Time: as of 11:15 AM | May 30, 2026

Sa lahat ng motorista at mga biyahero, asahan ang posibleng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar. Magplano po nang maaga sa inyong biyahe at maglaan ng dagdag na oras upang maiwasan ang abala.

✅ Gumamit ng alternatibong ruta kung maaari
✅ Sundin ang mga traffic enforcers at mga road signs
✅ Magmaneho nang maingat at responsable

Magtulungan po tayo upang mapanatiling ligtas ang lahat at maayos ang daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pasensya at pakikiisa.

Ang MBDA ay patuloy na nagpapatrolya 24/7 upang mapanatili ang kaayusan ng trapiko at kaligtasan ng mga motorista sa Roman Expressway.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Orani?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address

Brgy. Doña, Express Way
Orani
2112