An Pukot
Tinig ng Kabataan Tungo sa Kamalayan.
20/05/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: ๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ณ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐๐ป๐๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ
Ginanap ang Araw ng Pagkilala 2026 ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Silangang Visayas sa Leyte sa awditoryum noong Mayo 18, 2026.
Kinilala ang mga mag-aaral mula Baitang 7-12 na nagkamit ng karangalan bilang Directorโs Lister at mga lumahok sa ibaโt ibang patimpalak bilang Special Awardee para sa taong panuruan 2025-2026.
Nagbigay rin ng talumpati bilang inspirasyon sa mga mag-aaral ang mga pangunahing tagapagsalita na sina Dr. Enrico Jose P. Gomez para sa FAYP at Dr. Richard Jonathan O. Taduran para sa SYP.
๐๐ถ๐ฉ๐ข ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ช๐ข๐ฏ๐ฏ๐ข ๐๐ญ๐ฆ๐ท๐ข๐ฅ๐ฐ, ๐๐ฐ๐ฃ๐ฆ ๐๐ถ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ต ๐๐ฐ๐ญ๐ฆ ๐๐ฃ๐ข๐ญ๐ฐ๐บ๐ข๐ฏ
๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐จ | ๐๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ช๐ฆ ๐๐ถ๐ฏ๐ค๐ข๐ฅ๐ข
01/05/2026
๐ฆ๐๐๐ข๐, ๐๐ง๐๐๐ฆ! ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข, ๐๐๐๐๐!
Ngayong unang araw ng Mayo, ginugunita ang Araw ng Manggagawa. Kinikilala ang kanilang mahalagang ambag sa pagpatatakbo ng ekonomiya at sa araw-araw na pag-usad ng lipunan. Ngunit sa kabila ng kanilang malaking papel, patuloy nilang hinaharap ang hamon ng mababang sahod at tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Sa kabila ng mga hakbang at panukalang solusyon, hindi ito sapat upang tugunan ang ugat ng problema. Sa ganitong kalagayan, lalong umiigting ang panawagan para sa makatarungang sahod, makataong presyo, at kongkretong reporma sa sistemang pang-ekonomiya.
Ang disenteng sahod at abot-kayang pamumuhay ay hindi pribilehiyo kundi karapatan na dapat ibinibigay ng gobyerno. Hanggaโt nananatiling mabigat ang pasanin sa hanay ng manggagawa, magpatutuloy ang kolektibong panawagan para sa tunay na pagbabago.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ!
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ!
๐๐ถ๐ฃ๐ฎ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ฆ๐ช๐บ๐ซ๐ข ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ฒ๐ถ๐ช๐ฏ
01/04/2026
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ผ๐น๐ถ๐ป๐ฎ, ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐น๐๐ต๐ฎ.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina kada litro dulot ng hidwaan sa West Asia, dagdag na pasanin ang kinahaharap ng mga jeepney drayber sa bansa. Mas malaki pa ang nagagastos sa gasolina kaysa sa kinikita sa buong araw na pamamasada.
Marami sa kanila ang patuloy na kumakayod kahit hindi sapat ang kita upang tugunan ang pang-araw-araw na gastusin. Kadalasan, ang kinikita sa maghapong pasada ay nauuwi lamang sa pambawi sa gasolina at ang natitira ay kulang pa sa pagkain, bayarin, at pangangailangan ng pamilya. Pawis at luha ang kanilang puhunan, ngunit tila hindi ito pinapansin ng may kapangyarihan.
Sa gitna ng krisis na ito, nananatiling kulang ang kongkretong tugon ng pamahalaan. Ang pagpatutupad ng four-day work week sa ilang tanggapan ay isang patak sa dagat kumpara sa tunay na pangangailangan ng mga apektadong sektor. Habang may opisina na nagbabawas ng araw ng trabaho, ang mga tsuper ay walang ganiyang pribilehiyo. Patuloy pa rin ang pasada, patuloy ang pagod, at patuloy ang pangambang baka kulangin muli ang iuuwi sa pamilya.
Hindi sapat ang pansamantalang hakbang ng gobyerno kung ang problema ay pangmatagalan. Hindi sapat ang katahimikan kung ang sigaw ng mamamayan ay malinaw. Sa ganitong kalagayan, hindi lamang awa ang kailanganโkundi pananagutan at matalinong pagpili ng mga pinunong may tunay na malasakit at kakayahang tugunan ang hinaing ng mamamayan.
๐๐ถ๐ฃ๐ฎ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ฉ๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ ๐๐ถ๐ช๐ฏ๐ฐ-๐ฐ
31/03/2026
๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก
Bago tuluyang matapos ang Buwan ng Kababaihan, mahalagang balikan hindi lang ang mga selebrasyon at pagbibigay-pugay, kundi ang realidad na patuloy na kinahaharap ng kababaihan araw-araw. Ang buwang ito ay paalala na ang pagtataguyod sa pagkapapantay-pantay at paggalang ay hindi natatapos sa mga programa o kampanya. Nasa ating mga kilos itoโsa paraan ng pakikinig, sa pagrespeto, at sa paninindigan laban sa mali.
Sa kabila ng mga tagumpay, nananatiling mabigat ang mga hamon. Marami pa ring kababaihan ang nakararanas ng pambabastos, takot, at karahasang nangyayari sa mga lugar na dapat sanaโy ligtasโsa paaralan, sa komunidad, at maging sa sariling tahanan. Hindi ito normal at hindi dapat palampasin. Ang bawat karanasang ito ay paalala na marami pa tayong dapat baguhin sa ating lipunan.
Sa pagtatapos ng buwang ito, nawaโy magsilbi itong paalala na ang laban para sa kaligtasan, dignidad, at pagkapapantay-pantay ng kababaihan ay hindi lang laban tuwing Marso. Bilang mga kasapi ng lipunan, may papel tayo sa pagpalalakas ng boses ng kababaihanโsa pakikinig kapag may nagsasalita, sa paninindigan kapag may inaapi, at sa pagtindig tuwing may kailangang baguhin.
Hindi nasusukat ang diwa ng Buwan ng Kababaihan sa dami ng selebrasyon, kundi sa paraan ng ating patuloy na pagkilos kahit tapos na ang Marso. Hanggaโt may boses na kailangang marinig at karapatang kailangang ipaglaban, patuloy tayong kikilosโhindi lang para sa ngayon, kundi para sa mas makatarungan at ligtas na kinabukasan.
๐๐ถ๐ฃ๐ฎ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ช๐ณ๐ข๐ฉ ๐๐ข๐ค๐ฐ๐ฃ๐ฆ
Click here to claim your Sponsored Listing.