Konsehal Jonjon Antonio
Tunay na kaibigan, Maaasahan
08/03/2026
⚠️ BABALA SA MGA KA-PANDIEÑO
May kumakalat pong fake Facebook account na gumagamit ng aking pangalan at larawan, kapareho ng aking official page.
Ito po ay PEKE at wala pong anumang kaugnayan sa akin.
Mag-ingat po tayo at huwag basta maniwala sa mga post o mensahe mula sa account na ito.
Inaanyayahan ko rin po ang lahat na i-report ang nasabing fake account upang agad itong maaksiyunan.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pagiging mapanuri.
14/02/2026
Ngayong Araw ng mga Puso, higit nating ipinadama ang pagmamahal hindi lang sa salita, kundi sa gawa , lalo na sa ating mga kababayan na may karamdaman.
Sa panahong higit nilang kailangan ang pag-aaruga, suporta, at pagdamay, sinikap nating maipadama na hindi sila nag-iisa. Ang tunay na larawan ng serbisyo ngayong Araw ng mga Puso ay ang malasakit sa mga nangangailangan. ♥️
Kasama ang ating masipag at nag-iisang Vice Mayor Engr. Cris Castro. ❤️
Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat! ❤️
11/02/2026
“𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 , 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧 Aldy Basconcillo !
𝐍𝐚𝐰𝐚’𝐲 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲. ❤️
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨.
31/01/2026
𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏,
𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 Vice- Mayor Engr. Cris Castro !
𝑫𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒌𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒐𝒐𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒘𝒂’𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒈𝒖𝒎𝒑𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒊𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.❤️
06/01/2026
1st session 2026 simulan ang bagong taon ng tapat na serbisyo at malasakit sa bawat pandieño.😊
31/12/2025
salubungin ang 2026 ng may ngiti at pag asa, good vibes lang.
happy new year mga ka pandieño
24/12/2025
Maligayang pasko po Mga ka Pandieño! 🎄🎅
18/12/2025
Buong pagmamalaking ipinupugay ang tagumpay ng ating kapwa Pandieño na si 𝙅𝙪𝙡𝙞𝙪𝙨 𝙍𝙤𝙨𝙝 𝘿𝙚𝙡𝙖 𝘾𝙧𝙪𝙯 at ng RP Blu Boys, na nagtaas ng bandila ng Pilipinas sa 33rd SEA Games sa Thailand matapos magwagi ng Gold Medal.
Patunay kayo na kayang makipagsabayan ng Pilipino sa mundo—salamat sa karangalang inyong dinala sa bayan at sa bansa.
21/09/2025
𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐫𝐮𝐩𝐬𝐲𝐨𝐧: 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚, 𝐓𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚! 🇵🇭
Ang korupsyon ay parang isang sakit na sumisira sa pundasyon ng ating lipunan. Ito ay pumipigil sa pag-unlad at nagdudulot ng kahirapan sa ating mga kababayan. Sa bawat piso na nawawala dahil sa korupsyon, isang pamilya ang nawawalan ng pagkakataon para sa maayos na edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.
Hindi dapat maging normal ang korupsyon. Hindi dapat tayo manahimik o magbulag-bulagan sa mga maling gawain. Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na maging bahagi ng solusyon.
Paano nga ba natin lalabanan ang korupsyon?
Simulan natin sa ating sarili. Maging tapat sa lahat ng ating ginagawa, maliit man o malaki.
Tayo ay maging mapagmagtyag. Huwag matakot magsalita o magsumbong kung may nakikitang hindi tama. Dapat managot ang mga patuloy na gumagawa ng katiwalian sa ating gobyerno. Kung kaya’t tayo ay magsasama-sama, magkakaisa, at maninindigan para sa katapatan at katarungan, tiyak na magtatagumpay tayo sa pagbuo ng isang lipunang malaya sa korupsyon.!
26/07/2025
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-111 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐈𝐠𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚 𝐍𝐢 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨!
Isang taus-pusong pagbati ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos sa pagdiriwang ng ika-111 taon ng Iglesia Ni Cristo mula noong ito’y itinatag noong Hulyo 27, 1914. Sa mahigit isang siglo ng pananalig, pagkakaisa, at walang sawang paglilingkod, tunay na kahanga-hanga ang inyong patuloy na paglago at paglawak sa buong mundo.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain sa inyong layunin na ipalaganap ang tunay na pananampalataya at pag-ibig sa kapwa. Mabuhay kayo at ang Iglesia Ni Cristo!
11/07/2025
🎓✨Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos
sa 𝐀𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐀𝐋𝐒) 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 2025! 🙌🏼
Hindi biro ang inyong pinagdaanan. Sa kabila ng mga pagsubok, kakulangan sa oras, resources, at minsan ay pagdududa sa sarili—pinili ninyong ipagpatuloy ang laban. At ngayon, hawak niyo ang bunga ng inyong sakripisyo, tiyaga, at pananalig. 💪🏼📚
Ang pagtatapos na ito ay hindi lang tungkol sa papel na diploma, kundi sa tapang na ipinamalas niyo sa bawat araw na piniling mag-aral muli. Pinatunayan ninyo na walang edad, layo, o estado sa buhay ang makakapigil sa taong may determinasyon. 🌟
Sa inyong lahat—mabuhay kayo! Itaas ang noo, dalhin ang karangalang ito saan man kayo makarating. At huwag kalimutang ibahagi ang inyong kwento, upang mas maraming Pilipino ang muling maniwala na hindi huli ang lahat. 🫶🏼
02/07/2025
𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐊𝐔𝐋𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐋𝐀𝐂𝐀𝐍. ❤️
(HUNYO 29,2025 I BULACAN CAPITOL GYMNASIUM)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pandi
3014