Paniqui Forum

Paniqui Forum

Share

Ang Paniqui Forum ay isinilang dahil sa pagmamahal sa kasaysayan at ang mga naging papel nito sa pag unlad ng ating Bayan. Mahalaga ang bawat larawan. Salamat.

19/11/2021

Mga Naging Pinuno Ng Bayan Ng Paniqui 🦇

Photos from Paniqui Forum's post 28/10/2021

THOMAS BRIGHT EMBRY - Ang unang Amerikanong nailibing sa sementeryo ng Paniqui.

Dr. Embry ang tawag sa kanya ng mga mamamayan sa Paniqui noong siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa Clark Street dahil sa pagbibigay ng serbisyong medikal ng libre. Umabot sa punto na ang kanilang tirahan ay tila na isang hospital.

Si Thomas Bright Embry ay naging bahagi ng U.S. Military sa panahon ng Spanish-American War noong 1898 na naunang ipinadala sa bansang Cuba bago naitalaga sa Pilipinas.

Noong 1908 ay napangasawa niya si Valentina Valdez at nagkaroon ng 9 na anak. Ang anak ni Thomas Embry na si Benjamin Embry ay kasama sa 26th Cavalry Troop C at nakaligtas sa Bataan Death March.

Noong World War II ay ang hindi magandang tagpo para sa mga Amerikano sa Pilipinas kung kayat itinago ng mga mamamayan ng Paniqui ang pamilyang Embry sa mata ng mga Hapon.

Noong September 18, 1945 ay namatay si Thomas Embry sa sakit na pneumonia at inilibang sa Paniqui Municipal Cemetery.

Picture 1. Thomas Bright Embry
Credit: Maria Elizabeth Embry

Picture 2. Mga Pulis ng Paniqui noong 1968 kasama si Benjamin Embry (middle front row). Si Benjamin Embry ay ang Chief of Police noong si Peping Cojuangco ang Mayor.
Credit: Mary Jane Del Valle Embry

Tingnan din ang ibang posts:

Gabaldon 1911
https://www.facebook.com/561360920942821/posts/1209414492804124/?app=fbl

Fernando Poe at Peping Cojuangco
https://www.facebook.com/561360920942821/posts/1203427540069486/?app=fbl

Want your organization to be the top-listed Government Service in Paniqui?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Our Story

Ang author ng Page na ito ay ipinanganak, nag-aral at lumaki sa bayan ng Paniqui.

Website

Address

Clark Street, Poblacion Sur
Paniqui