PasigLaban
Equipped. Empowered. Effectively Engaged. PasigLaban Kabataan Inc.
18/07/2026
HABOL NA, KABATAANG PASIGUEÑO! IpanaLOKAL NA! ✊🏻
Extended ang registration ng IpanaLOKAL para sa mga kabataang Pasigueño! 💙
Kung ikaw ay may pusong maglingkod, bukas sa pagkatuto tungkol sa politikal na partisipasyon at mabuting pamamahala, at nais maging bahagi ng isang progresibo at partisipatibong pamahalaan, may lugar ka rito!
Kung hindi ka pa nakakapag-register, THIS IS YOUR SIGN! ✨
Huwag palampasin ang pagkakataong matuto, mamuno, at makiisa sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan para sa mga Pasigueño.
📅 July 18–22, 2026 ang registration period.
Mag-register na at sama-sama nating ipanalo ang lokal! 💙
bit.ly/IpanaLOKALPasig
bit.ly/IpanaLOKALPasig
bit.ly/IpanaLOKALPasig
14/07/2026
BAYANIHAN SA PASIGLABAN
Para sa mga biktima ng sunog sa Balsancat, Palatiw
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa Balsancat, Brgy. Palatiw kagabi (July 14, 2026). Sa kasalukuyan, pansamantalang nanunuluyan ang mga residente sa Palatiw Covered Court. Marami ang nawalan ng tahanan, damit, at mga gamit lalo na para sa paaralan.
Para sa monetary support: www.pasiglaban.org/bayanihan
PasigLaban Kabataan, Inc.
Land Bank of the Philippines
Account Number: 3081043727
Para sa in-kind support:
• Bigas
• Ready-to-eat food (delata, noodles, biskwit)
• Tubig
• Toiletries
Para sa drop-off details at acknowledgment receipt, magpadala ng mensahe sa aming page:
Maraming salamat sa inyong pakikiisa. Sa sama-samang pagkilos, makakabangon ang bawat pamilyang naapektuhan.
https://web.facebook.com/share/p/1EhX2Z5vQT/
14/07/2026
Project Ztizen: Crafting of the 2026 PasigLaban Youth Agenda ✨
Kasabay ng General Assembly ng PasigLaban probationary members ang isang planning workshop na nakatuon sa pagbuo ng 2026 PasigLaban Youth Agenda at kanilang Community Advocacy Projects.
Ginrupo ang mga kabataan batay sa iba’t ibang youth development sectors upang suriin ang kasalukuyang sitwasyon sa kanilang barangay at sa lungsod, at maglatag ng konkretong mga proyekto at solusyon na tutugon sa tunay na pangangailangan ng kabataan.
Maraming salamat sa ating mahuhusay na PasigLaban facilitators sa maayos na pagpapadaloy ng workshop.
Click here to claim your Sponsored Listing.