SaMaRiFil SHS
Sulong wika, Sulong likha, Sulong kata
09/08/2025
Mga Kapwa Mag-aaral, Halina’t Dumalo sa Lektura 2025! 📚✨
Isang hapon ng pagkatuto at pagbabalik-tanaw sa yaman ng ating wika at kultura! Sama-sama nating tuklasin ang kahalagahan ng ating sariling wika sa makabagong panahon.
🤔 Nais mo bang madagdagan ang iyong kaalaman at mas mapalalim ang iyong pag-unawa sa wikang Filipino?
Kung “Oo!” ang iyong sagot, aba’y huwag kang mawawala! Magkita-kita tayo sa Lektura 2025 kasama ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang strand.
🗓 Petsa: Agosto 15, 2025
⏰ Oras: 2:00 ng hapon
📍 Lugar: Ikatlong Palapag, Gusaling MAE
Tara na at makibahagi sa talakayan—para sa wika, para sa bayan! 🇵🇭
✍️: Arpas, Lance Tristan G.
🎨: Arpas, Lance Tristan G.
09/08/2025
Bitaw ng Salita, Bagsak ng Palakpakan!
📣 Mga Rizaleño, ngayon ang pagkakataon para patunayan na ang talino at galing ay hindi lamang nakikita sa sulat, kundi naririnig din sa lakas ng ating tinig.
🎤 Sa entablado ng Talumpatian, hindi lang salita ang iyong ibibigay—kundi damdamin ❤️, ideya 💡, at apoy 🔥 ng pagiging tunay na Pilipino.
Kung ika’y may talento sa pagsasalita, may pusong maghatid ng inspirasyon 🌟, at tapang 💪 na maglahad ng katotohanan—ito na ang iyong sandali.
Ipakita na ang wikang ating minamahal ay buhay, makulay 🎨, at makapangyarihan ⚡ sa bawat titik at himig ng iyong tinig.
✍️: Mariz Mae Nicole Dionisio
🎨: Krizha Marie O. Saltarin
05/08/2025
Mga Kapwa Rizaleño, Halina't Ipagdiwang ang Buwan ng Wika! 🇵🇭✨
Isang buong buwan ng kasiyahan, kaalaman, at pagmamahal sa ating sariling wika! Sama-sama nating abangan ang mga sorpresa at galing na naghihintay sa atin.
🤔 Nais mo bang ipakita ang iyong talento at pagkamalikhain?
Kung "Oo!" ang iyong sagot, aba'y huwag nang magpahuli! Maghanda na para sa "Buhay na Museo"! Isang patimpalak kung saan ang ating kasaysayan at kultura ay nabubuhay sa pamamagitan ng ating mga talento.
Ito ay mangyayari sa agosto 11, 2025 at gaganapin sa ikatlong palapag, amphitheater
Ano pang hinihintay natin? Ipakita natin ang galing ng mga Rizaleño! 🤩
Tara na, mga kaibigan! Ipagmalaki natin ang ating wika!🎉
✍️:G. Justin Jaymar F. Felipe/G. Nash Daniel F. Guande Miyembro ng SaMaRiFil
🎨:G. Justin Jaymar F. Felipe Miyembro ng SaMaRiFil
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasig
1606