MMDA
The official page of the Metropolitan Manila Development Authority.
[Admin 09] MMDA ALERT: Stalled truck due to mechanical trouble at Quezon Ave Tunnel WB, as of 12:26 PM. One lane occupied. MMDA enforcers are on site managing traffic.
08/06/2026
Patuloy ang pagsisikap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palakasin ang kahandaan ng mga empleyado nito sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situations.
Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes, Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. at General Manager Usec. Nicolas Torre III ang ceremonial distribution ng mga Emergency Go Bags sa flag-raising ceremony kaninang umaga.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Torre ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang uri ng emergency, kasabay ng pagsusulong ng kultura ng disaster preparedness at resiliency sa loob ng ahensiya.
Ang mga Emergency Go Bags ay naglalaman ng mahahalagang kagamitan at suplay na maaaring magamit sa oras ng sakuna ng mga kawani ng MMDA.
07/06/2026
AESTHETIC + KALINISAN
Nagsagawa ang MMDA Metro Parkways Clearing Group ng intensive cleaning at flushing ng wall tiles sa EDSA southbound, mula Aurora Blvd. hanggang P. Tuazon, Quezon City para alisin ang naipong dumi, mantsa, at iba pang contaminants para mas maging maayos ang biyahe ng mga motorista at commuters.
Pinangunahan din nila ang pagpipintura sa mga spray-painted graffiti o bandalismo sa pampublikong imprastraktura.
07/06/2026
07/06/2026
ORANGE o SHARMAINE?
Kahit ano ang itawag mo, ang balat nito ay may halaga! 🍊♻️
Say ni , huwag itapon ang balat nito sa basurahan. I-compost 'yan dahil nababawasan na ang basura at nabibigyan pa ng nutrisyon ang mga halaman.
Yes to pag-compost para Ayos!
Website
Opening Hours
| Monday | 08:00 - 17:00 |
| Tuesday | 08:00 - 17:00 |
| Wednesday | 08:00 - 17:00 |
| Thursday | 08:00 - 17:00 |
| Friday | 08:00 - 17:00 |