Sinebayan Productions
Official Social Media Team of Sangguninang Kabataan ng Santolan
05/04/2026
๐๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ง๐: SALUBONG 2026
Nagtipon ang lahat sa Barangay Hall ng Santolan, Pasig City upang ipagdiwang ang tradisyunal na Salubong tuwing Linggo ng Pagkabuhay, na siyang sumisimbolo sa muling pagkabuhay ni Hesus at sa muling pagtatagpo nila ng Birheng Maria.
Binibigyang-diin hindi lamang ang relihiyosong aspeto ng tradisyon kundi para matanto rin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pananampalataya, at patuloy na pagpapahalaga ng kultura mula sa unang henerasyon patungo sa susunod.
11/01/2026
๐๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ง๐: INDAYOG SA 30TH PAKALOG FESTIVAL 2025
Matagumpay na ipinagdiwang ang 30th Pakalog Festival 2025, isang makulay na selebrasyon ng kultura, tradisyon, at pagkakaisa ng mga Santoleรฑo.
Ibinabahagi ngayon ng Sinebayan Productions ang mga nakatatak na sandali mula sa bawat indak, ngiti, at sigaw ng saya na nagbigay-buhay sa kahabaan ng Santolan.
Muling pinatunayan ng Pakalog Festival na sa sama-samang pagkilos at pagmamahal sa kultura, patuloy na magiging buhay at makulay ang ating pagkakakilanlan.
๐๐๐๐๐-๐ง๐๐ก๐๐ช
Pagbalik-tanaw, dalawang linggo matapos ang Gabi ng Parangal 2025โisang sukli ng pagsisikap at tulay tungo sa gusto pang makamit na pangarap ng Kabataang Santoleรฑo.
Sinimulan ang video na ito nang may dedikasyon, puso, at pagkakaisa. Mula sa pagbuo ng ideya hanggang sa huling sandali ng programa, ramdam ang kakayahan, talento, at determinasyon ng bawat isa.
Mula sa puso ng Sinebayan Productions, maraming salamat sa tiwala at suporta. Sa mga tao sa likod ng programang ito, lalo na sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan. Ang bawat sandali ng paggawa ng video na ito ay nagpatibay sa aming paniniwala na ang talento at dedikasyon ng kabataan ay dapat ipagdiwang at ipagmalaki.
Ang nakamit na parangal ng bawat isa ay nagsilbing inspirasyon ng Sinebayan Production, simula sa naging proseso ng paglikha na may kasamang kwentuhan at pagtutulungan na nagbigay-buhay sa naggawang video.
Upang makita ang serye ng mga video na likha ng Sinebayan para sa makabuluhang programang ito, maaaring bisitahin ang opisyal na page ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan.
Mula sa Sinebayan Productions, maraming salamat at mabuhay ang kabataang Santoleรฑo!
31/12/2025
SA LIKOD NG LENTE | Gabi ng Parangal 2025
Sa bawat sulyap sa likod ng lente, nabubuo ang mga larawang sumasalamin sa dedikasyon, husay, at kakayahan ng mga natatanging Kabataang Santoleรฑoโmula sa sining, agham, isport, edukasyon, adbokasiya, hanggang sa pamumuno sa komunidad. Patunay ito na ang tagumpay ay bunga ng tiyaga, pagkamalikhain, at taos-pusong malasakit sa kapwa.
Sa paggawa ng Gabi ng Parangal 2025 video, tunay na humanga ang Sinebayan Productions sa ningning ng inyong mga mata habang ibinabahagi ang mga kwentong puno ng sakripisyo, pangarap, at tagumpay.
Patuloy na susuportahan ng Sinebayan Productions ang bawat indibidwal na gumagamit ng kanilang talento bilang daan upang makatulong at magbigay-inspirasyon sa iba.
Pagpupugay sa lahat ng tumanggap ng parangal. Nawaโy magsilbi itong paalala na ang inyong mga tagumpay ay hindi lamang personal na panalo, kundi liwanag na maaaring gumabay sa iba tungo sa kanilang mga pangarap.
18/12/2025
Kasama ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Santolan, ipinagmamalaki ng Sinebayan Productions ang pagkapanalo ng KoneKita at Youth Emergency Response and Resiliency Program (YERRP) sa Project Awards Category ng Seal of Good Youth Governance!
Mula sa Sinebayan Productions, kami ay nagagalak sa parangal na ito bilang naging parte sa pagbuo ng mga proyektong ito. Nasuklian ang pagod, sakripisyo, at talento ng pagkilala sa proyektong nabuo.
Ito ay simula pa lamang ng tagumpay, para sa mas marami pang aktibong programa at oportunidad ang magbubukas na aabangan pa.
31/10/2025
๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐ง๐: ๐ฌ๐๐ฅ๐ฅ๐ง ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ด๐ป ๐ฉ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ผ
Halika, ating pahapyaw na silipin ang mga kaganapan sa likod ng lente. Kaakibat ang dedikasyon at talento ng Sinebayan Productions, at ang nagkakaisang Youth Emergency Response and Resiliency Team (YERRT), na pinamumunuan ni Kagawad Laurence Mendoza.
Kasama rin sa pagbuo si Kalali Pacol isa sa mga Youth Officer, na nagsilbing gabay at katuwang sa pagbibigay-linaw kung ano nga ba ang mga ginagawa at tungkulin bilang isang bahagi ng Youth Emergency Response and Resiliency Team (YERRT).
Sa pamamagitan ng kanilang pamumuno, higit na naipapakita ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit ng kabataan sa pagtugon sa ibaโt ibang hamon ng Barangay Santolan.
Bilang isang grupo na may adhikaing magtanghal ng mga kuwento, mula sa indibidwal na tibok ng puso hanggang sa kolektibong sigaw ng ating lipunan, ang proyektong ito ay nilikha nang may pusong naglilingkod at nagbibigay-kaalaman.
Itinanghal ng aming mga lente ang mga ordinaryong sandali ng mga boluntaryo't manggagawa, ang mga bagani ng makabagong panahon na handang sumalagma sa unos upang isalba at isagip ang ating komunidad.
Maringal na ipinagmamalaki ng Sinebayan ang bidyo na nagpapakilala sa Youth Emergency Response and Resiliency Team (YERRT) at mga tampok na sandali mula sa nagdaang YERRT Camp!
Abangan ang mga kaganapan sa likod ng lente.
21/10/2025
๐๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐ง๐: ๐ข๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐๐๐๐ฅ๐ง๐ข ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข๐๐๐ก
Matagumpay na idinaos noong ika-20 ng Oktubre, 2025 ang One Concierto: Santolan 2025, isang gabi ng musika, talento, at matibay na pagkakaisa.
Ngayon, ibinabahagi ng Sinebayan ang nakatatak na mga sandali mula sa kanilang mga pagtatanghal na nagbigay-buhay sa entablado at nagpaalingawngaw sa saya sa bawat Santoleรฑo. Sa kalit, na lente:
DJ Kevin
Guddhi$t
Michael Pangilinan and The Yudawans
The Itchyworms
Napatunayan muli ng One Concierto: magkakasama, hindi mapipigilan ng anumang unos ang Santoleรฑo.
25/08/2025
SULYAP SA LIKHANG-SINE: Konekita Official Video Launching
Napanood niyo na ba ang Konekita Launching Video?
Ngayon, narito ang ilan sa mga stills mula sa nabuong likhang-sine ng Konekita Official Launching Videoโ tampok ang husay at malikhaing kaisipan ng Sinebayan Productions pagdating sa graphic objects at visual objects, katuwang ang SK Santolan Council, mga IT Professionals.
Batid ng Sinebayan na ang Konekita Community ay higit pa sa isang proyekto dahil ito ay nagsisilbing tulay upang mas mapaigting ang ugnayan at sama-samang pagkilos para sa kaunlaran ng komunidad.
Sa kabuoan, ito ang isang patunay na sa likod ng bawat eksena, mayroong dedikasyon, pagkakaisa, at malasakit para sa mas makabuluhang koneksyon at kaunlaran sa komunidad.
Bisitahin ang website: https://sksantolan-pasig.com/KoneKita/
15/08/2025
SA LIKOD NG LENTE: KoneKita Launching Video
Isang sulyap sa dedikasyon at talento ng SK Santolan Council, mga IT Professionals, at ng Sinebayan Productions sa likod ng KoneKita Launching Video.
Mula sa pagbuo ng konsepto hanggang sa huliโ binigyang buhay ang isang bagong online platform para sa mas konektadong komunidad at mas organisado na makahanap ng skilled workers.
Sa bawat eksena, patunay na ang pagkakaisa ang magdudugtong upang makamit ang layuninโmas konektadong komunidad at mas maayos na hanapbuhay.
Batay sa layunin ng Konekita, maaari ka nang:
โข Makapag-register bilang jobseeker
โข Maghanap ng trabaho o pagkakakitaan
โข Makipag-ugnayan sa mga skilled workers ng Santolan
Tara, mag-KoneKita na!
Ang Sinebayan Productions ay malugod na nagpapasalamat sa oportunidad na ito. Sa proyektong ito maraming natutuhan ang bawat isa. Hindi lamang kaisipan ang nabigyan ng kaalaman, sapagkat dedikasyon din ng puso, dahil sa mga nabuong karanasan at samahan na patuloy naming dadalhin at papahalagahan.
Kaya naman bigyan natin ng pagpupugay ang mga skilled workers ng Barangay Santolan. Sabay-sabay nating buhayin ang bagong online platform sa digital na panahon.
Bisitahin ang website: https://sksantolan-pasig.com/KoneKita/
Dahil sa , konektado ka!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pasig
1610