Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health
@DRRMHPasigCity
16/04/2026
Isang matagumpay na Basic Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) Training ang isinagawa mula Abril 14-16, 2026 sa Pasig City RED Training Center! Pinangunahan ito ng Catholic Relief Services (CRS) at National Center for Mental Health (NCMH) kasama ang mga kawani mula sa kalusugan, ospital, DRRM, at paaralan ng Pasig at Pateros. Layunin nitong palakasin ang mental health programs at pagtugon sa mental health tuwing may kalamidad, sakuna, krisis, at sa pang-araw-araw na serbisyong medikal. Sama-sama para sa mas matatag na kaisipan! π§ πͺ
08/04/2026
PAALALA SA LAHAT! π’
Basahin ang mga sumusunod na materyales o direktiba tungkol sa mga HEAT-RELATED ILLNESSES na maaaring maranasan ng sinuman dahil sa matinding init ng panahon. Kalakip ang mga pangunang lunas (first aid) na maaaring gawin sa mga taong nakaranas ng heat-related illnesses. Ingat po tayo!
Tumawag sa Pasig City C3 (command center) sa numerong 8643-0000.
β€οΈβπ©Ήπ‘οΈ
27/03/2026
Look!
The Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health (medical/public health, WASH, MHPSS and NIE), along with representatives from Pasig City General Hospital, Pasig City Hope Medical Center, Pasig Emergency Unit, and 6 Superhealth Centers, underwent and completed the Health Emergency Response Operations (HERO) Training held from March 23-27, 2026, at Hortz Hotel, Tagaytay City.
This training was led by Catholic Relief Services (CRS) in partnership with Hemu Mmchd. π¨π₯π©ββοΈπ¨ββοΈ
Photos credit to the rightful owner.
12/03/2026
π¨ Handa ang Pasig City Health Department!
Nakibahagi ang mga establisimyentong pangkalusugan ng Lungsod ng Pasig sa isinagawang 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan sa pagtugon sa lindol at iba pang sakuna.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng βDuck, Cover, and Holdβ at maayos na evacuation procedures, ipinakita ng mga kawani ng mga health centers ang kanilang kahandaan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa oras ng sakuna.
Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang kaalaman, koordinasyon, at kahandaan ng mga health personnel upang mas maging handa sa anumang emergency na maaaring mangyari.
Patuloy nating paigtingin ang kultura ng kahandaan at kaligtasan para sa mas ligtas na komunidad.
Ongoing 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill!!
12/03/2026
Makibahagi at isagawa sa inyong tahanan, komunidad o establisyamento.
MAMAYA NA ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)!
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa First Quarter NSED ngayong araw March 12, 2026, 3:30 P.M. Magsisimula ang programa ng ceremonial pressing of the button nang 2:30 P.M. Mapapanood ang livestream nito sa Civil Defense PH and NDRRMC FB pages.
11/03/2026
π’ PAANYAYA SA 1st QUARTER NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL (NSED)
Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin sa:
π Marso 12, 2026
β° 3:30 ng Hapon
Sa oras na ito, sama-sama nating isagawa ang DUCK, COVER, and HOLD bilang paghahanda sa posibleng lindol. Ang pagsasanay na ito ay mahalaga upang mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng bawat pamilya at komunidad sa panahon ng sakuna.
Hinihikayat ang lahat ng tanggapan, paaralan, establisyimento, at mga kabahayan na aktibong makilahok sa drill upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
π Tandaan:
Kapag naramdaman ang lindol o sa oras ng drill, agad na gawin ang DUCK, COVER, and HOLD.
β¨ βAng Pamilyang Alerto sa Sakuna ay Laging Handa.β
Makilahok, makiisa, at maging handa!
24/02/2026
Tignan.
Bumisita ang ating National Capital Region Health Emergency Management Section (DOH-HEMS) sa opisina ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) upang tignan at i-monitor ang operationalization ng unit.
Congratulations team Pasig City DRRM-H!!
Maraming Salamat DOH-HEMS!
11/11/2025
Tignan. Ang Pasig City Health Department ay tumugon sa pangangailangang medikal ng mga Pasigueno na nasa iba't-ibang evacuation camps sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Uwan.
Ang nasabing programa ay isinagawa upang mabilisang matugunan at mapanatili ang kalusugan ng bawat Pasigueno na naapektuhan ng kalamidad sa pamamagitan ng medical check-up, pamimigay ng mga bitamina ("micro and macro nutrients"), pagpapatupad ng "milk code" at pagbibigay ng "stress debriefing o mental health and psychosocial support (MHPSS)" sa mga nangangailangan. π©Ίππ₯π§ π
Isinagawa rin ang disinfection at pagsusuri sa tubig sa bawat evacuation camp upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang pagkalat ng anumang nakakahawang sakit o karamdaman. π§π¬
Ang DRRM-H ang nanguna sa operasyong medikal sa pamamagitan ng komunikasyon sa ating City Incident Management Team (IMT) at iba pang opisina upang mapanatili ang maayos at mabilisang pagtugon at maisagawa ang mga nasabing programa. π₯βοΈ
08/11/2025
Mga "emergency medicine" na maaring ihanda sa inyong tahanan, sasakyan, emergency go bags o first aid kits.
βΌοΈDOH: IHANDA ANG MEDICINE KIT NA SASAPAT SA TATLONG ARAWβΌοΈ
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahang magla-landfall ang Typhoon Uwan sa katimugang bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora bukas ng gabi o Lunes ng madaling araw.
Kasalukuyan ding nasa Typhoon category ito ngunit inaasahang lalakas pa at magiging ganap na super typhoon sa mga susunod na oras.
Sa mga ganitong panahon, tumataas ang panganib ng pagkakasakit. Dahil dito, mahalagang tiyakin na may handa at kumpletong medicine kit ang bawat tahanan para agad matugunan ang mga simpleng karamdaman.
Buuin ang medicine kit na parte ng inyong Emergency Go Bag!
β
Siguruhing ang gamot ay hindi pa expired at walang discoloration
β
Dapat walang sira ang packaging ng mga gamot
β
Ilagay sa matibay na lalagyan na hindi madaling mabasa o masira
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
1600
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |