DepEd Tayo Simsiman HS

DepEd Tayo  Simsiman HS

Share

Simsiman High School, Simsiman Pigcawayan, Cotabato

16/05/2020

Sa darating na pasukan, sakaling piliin ng mga magulang ang Classroom-based Instruction o Face to Face Instruction dahil hindi kayang tustusan ang Online Learning and Teaching, ganito ang inaasahang magiging kaparaanan ng bawat paaralan.

Ang mga klaseng may 40 estudyante sa bawat classroom ay hahatiin sa tig 20. Sa madaling sabi, magkakaroon ng dalawang sets ang isang pangkat. Ang SET A ay papasok sa Lunes at Martes habang ang SET B naman ay papasok sa Miyerkules at Huwebes. Ang Biyernes ay gagamitin ng g**o sa pagtsek ng mga output ng mag-aaral.

Layunin nitong bawasan ang teacher-student at student-student contact. Ipinagbabawal din ang group activities at mandatory ang pagsusuot ng facemask. Magkakalayo din ng at least isang metro ang upuan ng bawat estudyante.

Mula sa Operational Definition of Terms ng DepEd Cotabato Division sa iba't-ibang Alternative Learning Modalities.

TANONG: Anong gagawin ng mga bata sa mga araw na hindi sila papasok?
SAGOT: Ipasasagot sa kanila ang mga gawain na nakapaloob sa Self-Instructional Materials na ipauuwi sa kanila upang sa muling pagkikita ng mga mag-aaral at g**o ay mas marami silang matapos na paksa o leksyon.

TANONG: Paano ang recess?
SAGOT: Ihahatid sa mga classroom ang mga panindang pwede nilang bilhin. Mas mainam na rin na magdala na lang ng pangrecess ang mag-aaral.

TANONG: Paano ang flag ceremonies?
SAGOT: Sa mga silid-aralan na gagawin ang flag ceremonies upang maiwasan ang pagdagsa ng mga bata sa isang lugar.

TANONG: Paano ang pagpasok ng mga bata?
SAGOT: Kahit pa hatiin ang populasyon, marami pa rin ang mga batang papasok, pero inaatasan ang bawat paaralan na magsanitize ng paligid. Ugaliin ang paghugas ng kamay.

TANONG: Paano kapag may batang nagkaroon ng lagnat o ubo?
SAGOT: Ilalagay sya sa isolation facility. Maaaring ilagi muna sya sa school clinic kung saan walang ibang bata ang makakalapit sa kanya, bibigyan ng gamot at hihintayin ang magulang na sunduin ang kanyang anak.

TANONG: Paano ang mga contests ng mga bata?
SAGOT: Wala munang intramurals, presscon, palaro at iba pang contests sa taong ito. Ang cheer dance, street dance o anumang maramihang pangkatang gawain ay mahigpit na ipagbabawal.

Ang mekanismong ito ay tatagal hangga't may banta pa rin ng covid19.

Like we have said, mas maraming tanong kesa sagot sa panahong ito. Kailangan lang natin ang lubos na pag-unawa na higit sa lahat, ang kalusugan ng bawat bata ang pinakamahalaga.

Photos 13/11/2013

Field Demonstration during the Pigcawayan 60th Anniversary Celebartion :)

Photos 29/08/2013

flag raising! :)

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pigcawayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Simsiman
Pigcawayan