4K Partylist

4K Partylist

Share

Kababaihan, Kabalikatan para sa Kapakanan at Kaunlaran ng Bayan [4K]

Photos from 4K Partylist's post 12/05/2026

Patuloy na pinatutunayan ni Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes na sulit at may saysay ang tiwalang ibinigay ng mamamayan sa 4K Partylist.

Sa dalawang mahalagang sesyon ng pagpupulong ngayong araw sa Mababang Kapulungan, present, aktibo, at hands-on ang ating kinatawan sa pagsusulong ng mga usaping may direktang epekto sa buhay ng mga Pilipino:

✅ Attended the LEAD Mega Committee Meeting
✅ Attended the Committee on Rules Meeting

Photos from 4K Partylist's post 12/05/2026

PANGMATAGALANG SOLUSYON SA KRISIS SA LANGIS, MULING BINIGYANG-DIIN NI CONGW. IRIS MONTES

Dumalo si Assistant Minority Leader at 4K Partylist Representative Iris Montes sa initial deliberations ng kanyang panukalang House Bill No. 9085 o ang “Philippine Strategic Petroleum Reserve Act” sa isinagawang Committee on Energy Regular Meeting.

Sa pagdinig, binigyang-diin ni Congw. Montes na mahalagang magsilbing aral ang kasalukuyang krisis sa langis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin na dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon sa kanya, higit sa mga panandaliang tugon, kinakailangang ituon ng panukalang batas ang pansin sa mga pangmatagalang hakbang upang mas maging handa ang bansa sa mga pandaigdigang sigalot na kahit hindi direktang kinasasangkutan ng Pilipinas ay matinding nakaaapekto sa ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino.

Iginiit niya ang kahalagahan ng mas pinalawak at mas matatag na oil reserve stockpiling sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, bilang bahagi ng pagbuo ng mas matibay na energy security framework para sa bansa.

12/05/2026

BABAE, BIDA SA PAGBABAGO PARA SA KALIKASAN 🧡🌳

Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang paraan upang mapanatili ang biyaya ng ating kapaligiran, kundi hakbang din upang maprotektahan ang mga komunidad sa panahon ng kalamidad.

Patuloy na maniniwala ang 4K na kahit sa maliliit na hakbang, nagsisimula ang malalaking pagbabago, at hangad nating mas marami pang komunidad ang maabot at maimpluwensyahan ng mga inisyatibang pinangungunahan ng ating mga kababaihan.

Photos from 4K Partylist's post 11/05/2026

CONGW. IRIS MONTES, KASAMA SA BUMUBUSISI SA PAGREBISA NG UHC ACT PARA SA MAS EPEKTIBONG SERBISYONG PANGKALUSUGAN 🧡

Ngayong araw, nagsagawa ng pagpupulong ang mga kasapi ng Sub-Committee on Universal Health Care (UHC) ng Kamara, kung saan kabilang si Assistant Minority Leader at 4K Party-list Representative Iris Montes bilang kaisa-isang kinatawan mula sa minorya.

Inatasan ang nasabing sub-committee na masusing pag-aralan at busisiin ang mga probisyon ng Universal Health Care Act upang matukoy kung anu-ano pa ang maaaring amyendahan at palakasin para mas maging epektibo ang pagpapatupad nito para sa mamamayan.

Sa kabila ng mga hamon sa sistema ng kalusugan, nananatiling matibay ang paninindigan ni Congw. Iris Montes na isulong ang tunay na katuparan ng Kalusugang Pangkalahatan, kung saan ang bawat Pilipino ay may pantay na akses sa de-kalidad, abot-kaya, at maaasahang serbisyong pangkalusugan, nang hindi nalulubog sa gastusing medikal.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Quezon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Nava Street , Brgy. Tabing Dagat, Gumaca
Quezon