105.3 FM Radyo Natin Infanta

105.3 FM Radyo Natin Infanta

Share

📻: 105.3 FM MHz
📡: https://radyonatinfm.com/infanta
💻: 105.3 FM Radyo Natin Infanta

14/05/2026

‘HINDI SUNDALO ANG NAGPAPUTOK, KUNDI OSAA’

NEWS UPDATE: Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines na kasama ang Marines sa mga nagpaputok ng baril sa insidente sa Senado kagabi, Mayo 13.

“Nakausap namin yung commander. Hindi sila nagpaputok because they were there to support. So, yung OSAA ang nagpaputok,” mensahe sa reporters ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Una nang iginiit ng AFP na bahagi ng routine deployment sa vital installations ang Marine Security and Es**rt Group.

“The soldiers seen inside the building were called by the OSAA to assist them in securing the facility,” paliwanag ng AFP Public Affairs Office. | via Edniel Parrosa, DZRH News

27/04/2026

Sinabi ni U.S. President Donald Trump na ang suspek sa umano’y tangkang pag-atake sa White House Correspondents’ Association dinner ay may dalang “anti-Christian manifesto” at itinuturing niya itong “sick guy” na puno ng galit. Ayon sa ulat, ang suspek na si Cole Tomas Allen, 31, mula California, ay naaresto bago pa man makapasok sa ballroom ng event matapos umanong magpaputok ng shotgun sa isang Secret Service agent sa security checkpoint.

Ayon sa mga awtoridad, may dalang iba’t ibang armas ang suspek at bumiyahe mula Los Angeles patungong Washington sakay ng tren bago ang insidente. Natuklasan din sa manifesto ang listahan ng mga target na opisyal at kritisismo sa seguridad ng venue. Patuloy ang imbestigasyon at nahaharap siya sa mga kasong federal kabilang ang attempted murder at illegal firearm use.

Huwag magpahuli sa mga pinakamainit na kaganapan sa loob at labas ng bansa. Bisitahin lang ang aming official website: https://www.radyonatin.com.ph/

25/04/2026

PAALALA SA PUBLIKO
Mag-ingat sa mga kumakalat na post online kaugnay ng umano’y ino-offer na tulong pinansyal para sa medical cases sa ngalan ng aming istasyon.

Pinapayuhan ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikitang post online.

Para sa mga opisyal na anunsyo at activities ng DZRH, sundan lamang ang aming official social media pages.

Maraming salamat.

Want your business to be the top-listed Media Company in Quezon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

2F Oliva Bldg. Rizal Street Poblacion 1 Infanta
Quezon