Ang Lunday

Ang Lunday

Share

Ang Lunday ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Castañas National High School.

Photos from Ang Lunday's post 30/03/2026

11th MOVING-UP CEREMONY, matagumpay na naisagawa sa Castañas NHS!

TINGNAN | ‎Isinagawa ang ika-11 Moving-Up Ceremony para sa Ikasampung Baitang na may temang "Pilipinong Magsisipagtapos: Handang Mamuno Nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao" sa Castañas NHS, ngayong araw, Marso 30.

‎Nagsimula ang programa sa pagpasok ng mga mag-aaral na nakatugon, magulang, kawani ng paaralan at SPTA gayundin ang panauhing pandangal, bandila at kulay ng watawat ng Pilipinas sa pangunguna ng mga Senior Scouts na sinundan naman ng mga sumusunod na gawain: (1) Pag-awit ng Lupang Hinirang sa kumpas ni Erich Anne De Ramos, May Mataas na Karangalan; (2) Pambungad na Panalangin mula kay Princess Joy Abo, May Mataas na Karangalan; (3) Pag-awit ng CALABARZON March, Lalawigan ng Quezon, Sariaya March at Castañas Hymn sa kumpas ni Aizel Cyrine Magsumbol, May Mataas na Karangalan.

Inilahad din ni Vince Gian Barrameda, May Mataas na Karangalan, ang kanyang Bating Pagtanggap para sa mga kapwa niya mag-aaral. Opisyal na ipinakilala at pinagtibay naman nina Gng. Jennalyn Lopez, Punong Tagapayo, at G. Airne Idea, Punongg**o I, ang mga mag-aaral na nakatugon sa araw na ito. Matapos ay isa-isa nang ginawaran ng sertipiko at medalya ang mga mag-aaral.

Nagbahagi ng Mensahe ng Pasasalamat si Emielyn Laracas, May Mataas na Karangalan, na kinapulutan ng aral at motibasyon ng lahat ng nagsidalo sa programang ito. Samantala, ipinakilala naman ni G. Hilario Jalbuena Jr., G**o sa Araling Panlipunan, ang Panauhing Pandangal na si Bb. Alilie S. Rodelas. Nagbahagi si Bb. Rodelas ng kanyang buhay na masasalamin ang aral, lakas ng loob, at inspirasyon ng mga mag-aaral na nakatugon.

‎Bago matapos ang programa ay hinandugan ng mga mag-aaral ng bulaklak ang kani-kanilang mga magulang, inawit ang Awit ng Pasasalamat, at nagbigay ng Pangwakas na Pananalita si G. Leo Orencia, Pangulo ng SPTA.

Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si Bb. Maria Edelyn P***e, G**o sa Filipino.

✍️Keisha Rhane Labrador
📸Luisiane Figuracion
🎨🖌️Sophia Mae Cabungcal

Photos from Ang Lunday's post 30/03/2026

GRADUATION RITES 2026!

TINGNAN | Matagumpay na naisakatuparan ang ika-9 na taunang pagtatapos sa Castañas NHS na may temang "Pilipinong Nagsisipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao" nito lamang Marso 28.

Nagsimula ang programa sa pagpasok ng mga magsisipagtapos kasama ang kanilang mga magulang, mga g**o, kawani ng paaralan, mga panauhin gayundin ang pagpasok ng watawat ng Pilipinas at sagisag ng paaralan. Kasunod nito ay ang pag-awit ng Lupang Hinirang na kinumpasan ni Nicole R. Hernandez, May Mataas na Karangalan, na sinundan ng awit panalangin na pinangunahan naman nina Stephanie Ashley Budih, Eljane Lavarez at Ervy Albiol, mga mag-aaral na May Mataas na Karangalan. Inawit din ng mga mag-aaral ang Calabarzon March, Lalawigan ng Quezon at Sariaya March.

Malugod na tinanggap ni Rassel Sebes, May Mataas na Karangalan, sa kanyang Bating Pagtanggap ang mga panauhing pandangal at lahat ng taong dumalo sa naturang programa. Ipinaabot naman ni Gng. Esperanza R. Villa, Confirming Officer, ang Mensahe ng Kalihim ng Edukasyon na sinundan ng presentasyon ng mga magsisipagtapos na pinangunahan ni Gng. Mailyn P. Abejo, SHS Coordinator na siya namang pinatunayan ni G. Airne G. Idea, Punongg**o I ng Castañas NHS at pinagtibay naman ni Gng. Esperanza R. Villa, Punongg**o III ng Canda NHS.

Sa sumunod na bahagi ng programa ay ang paggagawad ng diploma at mga medalya sa mga natatanging mag-aaral na nagsipagtapos. Ipinakilala naman ni Gng. Ehxell Gonzales, G**o sa SHS, ang Panauhing Pandangal na si Dr. Crystal Barandino-Quintana Ed.D. na siyang nagbahagi ng kanyang karanasan at natutunan na nagbigay inspirasyon at motibasyon sa mga mag-aaral. Nagpaabot din ng mensahe ang Punumbayan ng Sariaya na kinatawan ni Reymundo Razon, HRMO V PESO Manager.

Nagbahagi rin si Kerth Lorenz G. Manalo, May Mataas na Karangalan, ng Mensahe ng Pasasalamat. Pinangunahan naman nina Jelaine Cultivo, May Mataas na Karangalan, ang Panunumpa ng Katapatan, at ni G. Mariel Alfonso, Pangulo, ang Panunumpa ng Pagsapi sa Alumni Association.

Bago matapos ang programa, inawit ng mga mag-aaral ang Himno ng Paaralan sa pangunguna nina Jerwin Amoloza, Blessa Jeazzaraine Luna, at Jomar Japis, mga mag-aaral na May Karangalan na sinundan ng Awit ng mga Nagsipagtapos na pinangunahan naman nina Sophia Javier, Jineth Andaya, at Josephine Masalunga, mga May Karangalan.

Nagbigay ng Pangwakas na Pananalita si Gng. Mailyn P. Abejo at nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si Gng. Donna R. Tuyo, G**o sa SHS.

✍️Niña Fate De Chavez
📸🎨🖌️Diana Rose Juego

26/03/2026

Happy birthday, Chief News Editor, Kerth Lorenz Manalo! Your passion for serving our organization is truly admirable. Wishing you success in everything that you do. God bless you! 💙

Want your business to be the top-listed Media Company in Quezon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Brgy. Castañas Sariaya
Quezon
4322