Yakap Organization
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Yakap Organization, Charitable organisation, San Narciso, Quezon.
Hello, new month! It's september 1st, as we begin to prepare for our yearly initiatives and activities. Excited to have another year with you our dearest sponsors, volunteers and members 🤍🔔
11/04/2025
Tulong Para Kay Tatay Pabling!
Nakapaghatid po tayong muli ng tulong para sa nasunugan na si Tatay Pabling. Nabigyan natin sya ng karagdagang trapal na magsisilbing kanyang masisilungan, mat na kanyang mahihigaan at tsinelas na masusuot nya.
Marami pa din pong pangangailangan si Tatay Pabling, maaari nyo po syang puntahan sa Brgy. Lakdayan, San Narciso, Quezon daan papuntang Busay Falls.
Muli, maraming salamat sa ating masisipag na Volunteers at sa ating mababait na Sponsors na laging handang magbigay ng tulong para sa mga nangangailangan 🤍
10/04/2025
Tulong Para Kay Tatay Pabling!
Maraming Salamat sa ating mga Sponsors at Volunteers, sa paglalaan ng oras, sa pagdating at sa pagkakaroon ng pusong matulungin. 🤍
Si Tatay Pabling po ay mag isang naninirahan sa kanyang bahay, na natupok ng apoy kagabi. Ni walang gamit na naisalba, kahit isang gamit ay walang natira.
Sa kasalukuyan po ay wala pa ding kagamitan na pangsimula si Tatay Pabling, maliban sa kaldero, baso, tasa at kutsara na dala ng ating mga Volunteers. Ayon kay Tatay Pabling ay sa lupa na nilagyan nya lang ng kahoy sya pansamantalang matutulog ngayong gabi sa kadahilanang wala pa syang pampagawa o pang simula para makapag patayo ng kahit na maliit na kubo o bahay. Siya din ay mayroong mga sugat na natamo, at kasalukuyang hindi maimulat halos ang mga mata dahil ayon sa kanya ay hanggang ngayon masakit pa din ito dahil sa tindi ng usok sa pagkakasunog ng kanyang bahay.
Kasalukuyan ding walang tsinelas na masusuot si Tatay Pabling dahil kasama ito na nasunog sa kanyang bahay.
Sa mga nais po magbigay ng tulong para kay Tatay Pabling, base sa aming obserbasyon ay ito pa ang iba nyang pangangailangan:
•Comforter
•Banig
•Kumot
•Unan
•Solar/Flashlight
•Takuri
•Tsinelas
•Short/Damit/Jacket/Underwear
Sa mga nagnanais naman pong personal na bisitahin si Tatay Pabling ay maaari nyo pong puntahan sa Brgy. Lakdayan, daan papunta sa Busay Falls. At sa mga nagnanais pong tulungan sya para makapagsimula ng kahit maliit na kubo, ay maaari nyo po syang bisitahin ng personal para po makausap at makita nyo ang kanyang sitwasyon.
Tunay na ang pagbibigay ng tulong ay hindi nasusukat sa laki ng halaga, kundi sa pagkakaroon mo ng hangarin at puso na palaging handa magbigay sa anumang paraan 🤍
No matter where life takes us, let's love connects us. đź«‚
Here’s to spreading love and kindness this Valentine’s Day. Enjoy the day! 🌷🤍
05/01/2025
Yakap Organization 2025 Calendar 🗓️
27/12/2024
Our hardworking and dedicated Yakap Volunteers đź«‚
Thank you for your unwavering commitment and willingness to do something for those who are in need. We hope to see you again in our next events and programs in 2025.
27/12/2024
Be the hand that lift others up 🤝
Yakap Volunteers t-shirt & keychain for Adopt a Family & Elderly 2024 🤍
25/12/2024
The Yakap Organisation successfully carried out its yearly adopt a family program, which assisted 11 people, including three senior citizens and two families with two and three children. The goal of this initiative is to provide them with sufficient food supplies to allow them to rest and relax in the couple of days. They also received new household items that they will undoubtedly use in the future.
The volunteers and organizers of this organisation are grateful and thankful to individuals who show their support, and extend their help through in-kind and cash donations. We beseech God for the most abundant grace in life so that we can help more people in the next years.
Adopt a Family & Elderly 2024 🤍
23/12/2024
Repacking of goods & preparation for our "Yearly Adopt a Family"
See you in a bit, volunteers & beneficiaries 🤍
15/12/2024
BENEPISYARYO 4
Si Nanay A.F ay isang 80 taong gulang na mag isa sa buhay. Ayon sa kanyang kwento, sa paglipas ng panahon ay unte unte nang nasisira ang kanyang bahay na tinitirahan. Walang daloy ng kuryente at tubig, at kapag umuulan ay tuluan na ang bubong ng kanyang bahay. Dahil nga sa ganitong sitwasyon, tuwing gabi ay nakikitulog na lamang sya sa kanyang kaibigan na may bahay sa bayan, naglalakad araw -araw dahil mas iniisip nya ang kanyang kaligtasan lalo na kapag sasapit ang gabi, kaya kahit may kalayuan ay tinitiis nya ang maglakad araw araw patungo sa bahay na kanyang tinutulugan.
Napakahirao nito para sa isang matandang kagaya ni Nanay A.F pero dahil sa kanyang sitwasyon ay kailangan nyang maging matatag at malakas.
Ito po ang kanyang mga pangunahing pangangailan:
• Groceries
• Bigas
• Uling kahoy/bao
• Flashlight
• Tabo / timba / planggana
• Vicks / Rub
• Tsinelas
Kung may nais po kayong ipaabot na tulong kay Nanay A.F ay maaari po kayong mag message sa aming page o sa mga volunteers na inyong kakilala.
For in-kind donations please contact Manilyn Cariño Carabot
For cash donations you can reach out to Ms. Kaye Uy. Pagba or send your donations through this gcash account:
09511160546 - Kaye Pagba
&Elderly2024
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Contact the organization
Telephone
Address
Quezon
4313