Alon
The Official Student Publication of Quezon Central Institute, Inc.
26/03/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | Introducing our newly elected Supreme Secondary Learner Government (SSLG) officers for the 2026-2027 school year. Their energy, hard work, and leadership are sure to inspire every student in our school.
President: ๐๐๐ข๐ง๐ซ๐ข๐๐ก ๐๐๐ ๐. ๐๐ฌ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐จ
Vice President: ๐๐๐ซ๐ข๐ณ ๐๐๐ซ๐ง๐๐๐๐ญ๐ก ๐. ๐๐ซ๐จ๐ง๐๐ง
Secretary: ๐๐จ๐๐ฒ ๐๐ฅ๐ฒ๐ณ๐ ๐. ๐๐๐ฐ๐๐ฌ
Treasurer: ๐๐๐ง๐๐ฒ ๐. ๐๐๐ซ๐ช๐ฎ๐๐ณ
Auditor: ๐๐๐ฒ๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐. ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ
Public Information Officer: ๐
๐ฅ๐๐ฎ๐ซ ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐. ๐๐ซ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐จ
Protocol Officer: ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐. ๐๐๐ซ๐๐ข๐
Grade 12 Representative: ๐๐ฅ๐ญ๐ก๐๐ ๐. ๐๐๐ฌ๐จ๐ญ
Grade 11 Representative: ๐๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐ ๐. ๐๐๐ฎ๐๐ง๐ ๐
Grade 10 Representative: ๐๐๐ง๐ฃ๐จ๐ก๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ ๐. ๐๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ๐
Grade 9 Representative: ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐๐จ๐ก๐ง ๐. ๐๐๐ง๐๐จ๐ณ๐
Grade 8 Representative: ๐๐ฒ๐ง๐๐ฅ๐ฅ๐๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐จ๐ฅ๐ ๐. ๐๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐
Taking on this responsibility is a big step, and we know that passion and dedication are the keys to reaching our goals. Congratulations to the new SSLG team! We are looking forward to a year of teamwork and great moments.
Ikaw, ano ang quality na hahanapin mo para tanghaling Mr. & Ms. QCI? Alamin natin kung sino nga ba ang naging pambato ng ating mga Trailblazers nitong nakaraang Mr. & Ms. QCI 2026.๐
Sa pagtatapos ng ating Foundation Week, alamin natin kung ready bang sumabak ang mga grupo sa ating Palarong Intramurals.
01/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Korona at karangalang hindi malilimutan.
Sa gitna ng hiyawan at makikinang na ilaw, matagumpay na idinaos ang Mr. and Ms. QCI 2026 nitong Pebrero 28, 2026. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Quezon Municipal Covered Court nang ipamalas ng mga kalahok ang kanilang natatanging kakayahan sa pagrampa at pagsagot sa question and answer portion. Sa likod ng naglalakihang ngiti at kumikinang na mga korona, nakatago ang kwento ng determinasyon at mga sakripisyo na naghatid kina Wendy Marquez at Richmon Suarez sa rurok ng tagumpay.
Nagpakita ng kakaibang gilas ang dalawa, kabilang na rin ang ibang mga kalahok, mula sa sports wear competition hanggang sa final question and answer portion. Ngunit ayon sa dalawa, ang kanilang pagkapanalo ay hindi naging madali.
โAko, syempre sobrang happy kasi after all the pagod, worth it yung pagod, sobrang sayaโ pagtatapat ni Marquez, na tinanghal din bilang Best in Talent, Best in Interview, Best in Sports Wear at Ms. Congeniality Award na siyang nagpatunay na ang kandidata ay nagtataglay ng balanseng katangian na hindi lamang nakabase sa panlabas na kagandahan, kundi pati na rin sa kasanayan at personalidad.
Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Suarez na hindi niya inaasahan ang kanyang pagkapanalo. โNaging kabado ako noong una pero noโng nakita ko yung resulta, naging proud ako sa aking sarili,โ saad ng Ginoo. Tinanghal din bilang Best in Formal Wear, Best in Production Number, Best in Casual Wear, Best in Interview at Mr. Eye Catching Award. Ipinamalas nito na taglay niya ang matalas na talino sa pagsagot, angking gilas sa pagdadala ng anumang kasuotan at matinding tikas ng katawan sa bawat galaw.
Isa sa mga pinakatampok na sandali ng gabi ay ang buong pusong pagpapasa ng korona ng Mr. & Ms. QCI 2024 na sina Anne Mary Borines at Ivan Israel Manzanero ang kanilang titulo sa bagong hirang na Mr. & Ms. QCI. Makikita sa kanilang mga mata ang pagmamalaki at pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanila bilang magsilbing ehemplo sa kapwa mag-aaral.
Ang seremonyang ito ay simbolo ng pagpapatuloy ng tradisyon at responsibilidad ng pagiging tunay na lider.
Ang mga kalahok ay hindi lamang basta pinasali. Sila ay maingat na pinili dahil sa kanilang mabuting kalooban, sa loob man o sa labas ng entablado. Ang bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng natatanging talino at kakayahan na tunay na nangibabaw. Ipinakita nina Wendy at Richmon na ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nasusukat sa panlabas na anyo, kundi sa magandang asal, talino, at puso para sa kapwa.
Higit pang naging makulay ang gabi dahil sa kanilang mga talento. May nagtula na naghatid ng inspirasyon, may nagpatawa na nagpasaya sa lahat, at may sumayaw nang may kumpiyansa at kahanga-hangang galaw. Bawat pagtatanghal ay patunay ng kanilang dedikasyon at paghahanda para sa patimpalak.
Ang pagkapanalo ng dalawa ay nagpatunay na sila ay may buong pakete ng galing. Pinatunayan nito na hindi lang sila basta porma dahil taglay nila ang matalas na talino sa pagsagot, angking gilas sa pagdadala ng anumang kasuotan, malakas na enerhiya sa entablado.
Sa madaling salita, ang Mr. and Ms. QCI ay hindi lamang isang kompetisyon sa kagandahan, kundi isang selebrasyon ng talento, talino, at mabuting pagkatao ng kabataan. Isang gabi itong mananatiling alaala ng inspirasyon at pag-asa para sa buong komunidad ng QCI.
// panulat nina Shamia Kelly Pineda at Fleur Ysabelle Arellano
// paglalapat ni Fleur Ysabelle Arellano
25/02/2026
๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ | PANIMULA NG FOUNDATION WEEK: Trailblazers, nagtagisan ng galing sa isports!
Sa pasimula ng linggo, unang naganap ang banal na Misaโalay sa lahat ng naabot ng ating minamahal na paaralan. Pagkatapos naman nito, ginanap ang parada, kasama ang tatlong koponang kabilang sa palarong gaganapin. Kinig ang hiyawan ng bawat manlalarong, sabik nang lumahok sa mga gaganaping palaro. Nang matapos na ang parada, opisyal nang pinasimulan ang Foundation Week 2026, isinunod ang kompetisyon sa Calisthenics, at mga palarong panlahi. Nang kinahapunan naman, isinunod pa ang mga palarong bola at natitira pang panlahing laro. Kinabukasanโitinuloy pa ang natitirang mga ball games, simula 'maga hanggang hapon. Trailblazers, hindi pa nagtatapos ang linggong ito, at marami pang mangyayari sa susunod na mga araw ๐.
// kuhang mga larawan nina Ysa Arellano, Chloe Olpindo at Kristoff Ilagan
// kapsyon ni Ryanne James I. Cawas
25/02/2026
PALARONG INTRAMURALS 2026, Day 2: VICTORY EARNED, PRIDE SHARED! ๐
Day 2 brought the heat! Bigger plays, louder cheers, and pure, unstoppable team spirit. Congratulations to our winners who absolutely dominated the court!
24/02/2026
PALARONG INTRAMURALS 2026, Day 1: DONE & DUSTED! ๐ฅ
The energy was unmatched! Congratulations to all our winners who brought their A-game. Youโve set the bar high, Trailblazers!
22/02/2026
๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐น๐ฏ๐น๐ฎ๐๐ฒ๐ฟ๐, ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ก๐ฎ ๐๐ฎ? ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ!
Sa pagsapit ng mga araw ng Pebrero, hindi maipagkakaila, ang pananabik ng bawat mag-aaral, sa nalalapit na mga araw, ng purong kaligayahan, sino ba namang hindi masasabik, sa mga natatanging araw na ito?
Ang Foundation Week, isang linggo ng mga kaganapang, puno ng buhay at saya, kasama ang kaklase't kapamilya, ipinagdiriwang taun-taon, bilang paalaala sa kasaysayan ng paaralan.
Sa pasimula ng linggo, ang Calisthenics Contest at ang Palarong Intramurals ang siyang mauuna. Ang mga grupo ay nahahati sa tatlo, ang mga estudyanteng mula baitang 7 hanggang 11. Ating aalamin kung sino ang determinadong maiuwi ang ginto para sa grupo.
Palarong bola at panlahi, mga larong kinagisnan, siyang magiging batayan kung sino ang makatatangap ng palakpakan, sa bawat sigaw, maramramdam sa paligid, kung anong dala niyang mga araw na napakatangi.
Sa pagtatapos ng palaro, Quizbee ang isusunod, mula sa baitang 7 hanggang 10, upang masubok ang may talas ang isip, tungkol sa iba't-ibang asignatura, sa huli, ang pinakamautak ang siyang magwawagi.
Pagsikat ng araw kinabukasan, gigising na may galak, mga mag-aaral na may ganap kinagabihan, isang gabi ng hindi malilimutan nang kahit sinong mag aaral, ang JS Prom, araw na pinakakinasasabikan, yaring mga mag aaral ng ika-10 at ika-11 baitang.
Kasunod nama'y araw ng mga pamilya, pagtatangi sa mga taong kasama sa tahanan, at mga taong nakakasama natin, sating pang araw-araw na buhay.
Pagsapit ng bukang liwayway, ramdam na ang pagdiriwang, gaganapin sa gabi, ang Mr. & Ms. QCI, isang gabi kung saan, ang kandidato'y hindi kinikilala sa yaman, kundi sa galing at kaalaman, isang pagdiriwang na nais daluhan ng simpleng mamamayan, ang gabi ng pag papasa ng korona, ipapasa sa karapatdapat na kandidato't kandidata.
Handa na ba kayo, Trailblazers? Ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-76 na anibersaryo ng ating paaralan, nawa ang bawat matutunan natin sa mga araw na ito ay ating isabuhay, at huwag mahiyang ipakita ang inyong galing!
// panulat ni Ryanne James I. Cawas
// paglalapat ni Fleur Ysabelle C. Arellano
20/02/2026
๐ค๐๐โ๐ฆ ๐ณ๐ฒ๐๐ต ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ: ๐ช๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Are you ready, Trailblazers? Mark your calendars, QCIโs Foundation Week is just around the corner! Weโve got a week packed with exciting events, activities, performances, family bonding, and our long-awaited pageant that showcase our students dedication and hardwork. See you there!
17/02/2026
Kung Hei Fat Choi! ๐งง๐งจ
As we ring in the Lunar New Year and bid farewell to the past, letโs embrace the vibrant energy of the Year of the Horse! It is a time for fresh beginnings, cherished family reunions, and setting intentions that bring joy and success. May the coming year bring endless blessings, good health, and prosperous moments to your home. Wishing you and your loved ones a wonderful, joyous, and peaceful celebration.
Happy Chinese New Year, Trailblazers!
Click here to claim your Sponsored Listing.