Ang Balanti
BALITANG SAKTO SA MAMBABASANG MATALINO
Maliit na bagay man, napakasarap sa pandinig ang pasasalamat ng mga munting bata na muling dumalo sa ikalawang araw ng D.A.V.E. Feeding Project and C.A.D.O. Oral Hygiene Project na isinakatuparan ng Filipino Department sa pakikipagkolaborasyon sa TLE Department at iba pang mga g**o, mag-aaral maging mga nakiisa sa pangkomunidad na proyektong ito.
17/03/2026
Day 1
Dahil sa inisiyatibo ng dating pangulo ng II-Kamagong na si Dave Ordoǹˆes at kaniyang bise presidente na si Genice Cadorna Batch 2008-2009, naisakatuparan ang D.A.V.E. Feeding Project ( Delivering Aid for Vulnerable through Essential nutrition) at C.A.D.O. Oral Hygiene Project (Clean teeth, Avoid sweet and Daily brushing Oral) sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang dating g**ong tagapayo na si Edwin Edilloran.
Dumalo naman ang kinatawan ng kanilang section na si Marlon Quirejero na isa ng chef sa Casa Italiano na nagdala ng kaniyang bineyk na sourdough pandesal na ipinamahagi sa mga bata.
Makikita naman sa larawan ang pakikiisa ng mga Tagapag-ugnay ng TLE at English Department na sina Amelita R. Tuazon, Head Teacher II at Nora N. Rosario, Head Teacher III at iba pang g**o na naglaan ng pagseserbisyo sa mga tumanggap ng proyekto.
Bago bumalik sa kani-kanilang klase at umuwi sa kanilang tahanan ang mga bata, nakatanggap sila ng lootbag na may lamang toothbrush at tooth paste.
-Rico Atienza
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rizal
1900