N.G.O CAAG
Strong brotherhood /Service to the People.
02/04/2026
Tour of Duty,
ng Caag Elite Warriors/ PDRRMO.
Sa ikalawang araw ng tour of duty ng Citizen Anti-Crime Action Group Elite Warriors Inc. at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ngayong Abril 2 2026 naging maayos at payapa naman sa kabuoan.
Naka deploy ang Caag Elite Warriors sa balwarte ng Basilica Menor ng Malolos Cathedral Church.
Tiniyak ni PDRRMO Chief Ret.Col.Manuel M. Lukban Jr. na may sapat na kagamitan at kasanayan ang kanilang mga rescue responders kahit aberya ng sasakyan.
Kaya naman napasabak ang mga rescue responders ng Caag Elite at Pdrrmo sa pagpapalit nang flat na gulong na sasakyan ng isang deboto ng Basilica Menor.
Kasunod nito'y isang 25 anyos, na binata ang agad nilapatan ng lunas, ng pdrrm rescuer sa commandpost, matapos itong makaranas ng pamamantal ng balat dahil sa alergy sa matinding sikat ng araw.
Samantala muling nagpaalala ng OCD3 at PDRRMO na mag--ingat, ugaliin ang pag-inum ng tubig lalo na kung matindi ang init ng panahon ngayong panahon ng Semana Santa. # # #
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
San Rafael
3000