ALPHA KAPPA RHO - San Remigio, Cebu
International Humanitarian Service Fraternity and Sorority
02/12/2021
BAKIT KA PA NAG AKRHO?
Bakit nga ba pumasok ka sa AKRHO, nauunawaan mo ba kung para saan ang pag bubuklod nila at kung bakit nagsama-sama sila bilang isang organisadong samahan? Baka may iba sa inyo na nagtatanong na... "Oo nga 'no? bakit nga ba?" siguro dahil uso o kaya naman nayaya lang nang hindi nalalaman kung ano nga ba ang pinapasok.
Ano nga ba ang tamang sagot sa tuwing itinatanong satin kung bakit gusto mong sumali? o bakit ka sumali sa AKRHO?
Kadalasang sagot ng mga aplikante diyan ay... "Gusto ko po ng maraming kaibigan" o 'di kaya'y "Gusto ko din po kasing makatulong sa community kagaya ng ginagawa niyo". Sus! nambola pa, pero pag tagal tagal sakit na din siya sa ulo ng Leaders kase hindi na mahagilap sa tuwing may patawag ng Humanitarian Projects o Community Service o kaya pag may ambagan. Ambagan sa alak mana pa.
Sa totoo lang, tama naman yung sagot na yon pero very common na sagot na yan sa hinaba haba ng panahon na nakatindig ang Alpha Kappa Rho sa mundo natin.
Ayon sa Article 2 ng AKP Constitution, bukod sa pakikipag kaibigan o pakikipag kapatiran, nilalayon din nito na hubugin ang sariling katangian ng bawat miyembro sa pamamagitan ng pamumuno at hindi lamang bilang o maging ordinaryong miyembro, kaya kung sumali ka lang sa AKRHO para lang maging miyembro, sa punto pa lamang na iyon sa palagay ko eh nagkamali ka na ng tatambayang tribo. Dahil hindi sila Christmas Tree na nangangailangan ng palamuti, quality over quantity.
Layunin din ng AKRHO na tipunin ang mga indibidwal na may kakayahang makisalamuha sa positibo at mapayapang pag uugali. Kaya kung pikon ka at mababa ang pang unawa sa mga bagay bagay sa paligid, hindi AKRHO ang samahan para sayo na dapat mong haluan dahil hindi ito debate club o samahan ng magagaling, dahil ito ay samahan ng pinagsama samang kahinaan para makagawa ng isang buong lakas. Hindi ito lugar ng pakikipagtalo, oh hindi kita pinaparinggan hah tinamaan ka lang.
Layunin din nito na isabuhay ang respeto sa lahat ng oras at pagalang sa matataas hanggang sa ordinaryong miyembro, isulong ang kapayapaan sa iba at maging instrumento ng hustisya at katotohanan na siya namang ipinapahiwatig ng kanilang katawagan na "Skeptron" na hango sa salitang "Sceptic" o hindi madaling mapaniwala at "Sceptre" na simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan.
Para paigsiin ang mahabang salaysaying ito, kung hindi ayon sa iyong kagustuhan na hubugin ang iyong sarili, itaas ang kalidad ng iyong pagkatao, ipamalagi ang respeto, isulong ang kapayapaan, paibabawin ang pang unawa, isulong ang pagkakapantay pantay at isabuhay ang diwa ng pakikipag kapatiran walang dahilan para ikaw ay makibahagi o maging bahagi sa kapatiran ng AKRHO
Kaya kung ni isa man lang sa mga ito ang hindi umaayon sa iyong sariling pananaw, dapat siguro itanong mo na sa sarili mo kung bakit nga ba?
"Bakit ka pa nag AKRHO?"
© Eric Raz
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
6011