Project 81
Join us as we create positive change and build stronger, more resilient communities.
12/10/2025
LIBRENG BIGAS PARA SA ISANG HUWARANG NANAY! 💙
Ngayong araw, nag-abot kami ng isang sako ng bigas kay Ka Leonila Faderogao ng Sitio Escolta, Libas, Buenavista. Si Ka Leonila ay isang masipag at matatag na ina na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Ang kanyang asawa ay na-stroke kaya siya na lang ang inaasahan ng kanilang pamilya, kasama ang kanyang anak.
Araw-araw siyang nagtitinda ng isda sa umaga at kakanin naman sa hapon — kahit pagod, hindi sumusuko. 💪🐟🍚
Ang kanyang sipag at determinasyon ang tunay na inspirasyon para sa ating lahat. 🙏
Kaya bilang munting tulong, mula sa Aquapoint Water Refilling Station, Moriones Bigasan Marinduque at Project 81, ay aming ibinahagi ang bigas na ito bilang pagkilala sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa pamilya. 💖
Maliit man ang aming naibigay, ang kwento ni Ka Leonila ay malaking paalala na sa bawat pagsisikap, may pag-asang malalasap.
Click here to claim your Sponsored Listing.