Mayor Marisa Red
Celebrating the people and the places of the heart of the Philippines.
04/06/2026
𝟔𝟏𝟔 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐄𝐑𝐄𝐃 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐘𝐀𝐊𝐀𝐏 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 | 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟎𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Patuloy ng dumadami po ang ating mga kababayang Santakruzins na tumutugon sa ating panawagan na magpa-member na sa Philhealth YAKAP.
Maraming SALAMAT po sa ating mga kabarangay mula sa barangay San Isidro, Tamayo at Libjo. ❤️❤️❤️
Kaya't ano pa ang hinihintay nating lahat, magpa-YAKAP na sa Philhealth!
03/06/2026
📢 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙, 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐍𝐃𝐔𝐐𝐔𝐄 | 𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐂𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐓𝐎 𝐀𝐕𝐀𝐈𝐋 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐏𝐄𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐀𝐗 (𝐑𝐏𝐓) 𝐀𝐌𝐍𝐄𝐒𝐓𝐘 𝐔𝐍𝐓𝐈𝐋 𝐉𝐔𝐋𝐘 𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ang Tanggapan ng Ingat-Yaman ng Bayan ng Santa Cruz, Marinduque ay malugod na nagpapaabot ng impormasyon sa publiko hinggil sa pagpapatupad ng 𝐑𝐞𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐀𝐜𝐭 𝐍𝐨. 𝟏𝟐𝟎𝟎𝟏 𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 𝐕𝐚𝐥𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐑𝐞𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐀𝐜𝐭 (𝐑𝐏𝐕𝐀𝐑𝐀). Kaugnay nito, pinal nang inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang Provincial Ordinance No. 245, Series of 2025, adopting Section 30, Article V of the RPVARA Law upang ito ay agarang maipatupad sa ating lalawigan.
Bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas na ito, ang lahat ng taxpayers na may outstanding Real Property Tax (RPT) obligations ay hinihikayat na samantalahin ang tax amnesty program na available lamang hanggang July 5, 2026. Samantalahin po natin ang tax amnesty program na ito upang maayos ang inyong unpaid Real Property Tax obligations at mapakinabangan ang mga benepisyong ipinagkakaloob ng batas bago ang itinakdang deadline.
Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaaring bumisita sa 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫’𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫, 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳 𝐓𝐨𝐰𝐧 𝐇𝐚𝐥𝐥, o makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng 𝐓𝐞𝐥𝐞𝐩𝐡𝐨𝐧𝐞 𝐍𝐨. (𝟎𝟒𝟐) 𝟕𝟖𝟓-𝟑𝟐𝟓𝟎 o sa email address na 𝐦𝐭𝐨𝐬𝐭𝐚𝐜𝐫𝐮𝐳𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐝𝐮𝐪𝐮𝐞@𝐠𝐦𝐚𝐢𝐥.𝐜𝐨𝐦.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Santa Cruz