New Basic
Wife and proud mom of mini heroes and world-changers π©π
15/05/2025
09/04/2025
JANAZAH KIT: HANDOG NG OVP SA MGA NAMAYAPANG KAPATID NA MUSLIM
Ang βJanazahβ ay nangangahulugang funeral prayer o ang mga Islamic rites na isinasagawa para sa isang namayapang Muslim, kasama nito ang paghahanda sa katawan ng namayapa, ang dasal at libing.
Bilang pakikidalamhati at tulong na rin sa mga naiwang pamilya at mga nagmamahal sa namayapang Muslim, ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo (Office of the Vice President o OVP) ay may Janazah Kit.
Upang maka-avail ng Janazah Kit, ang kamag-anak o kinatawan ng pamilya ng namayapa ay maaring tumungo sa pinakamalapit na Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa inyong lugar at magsumite ng:
β’ Accomplished Form mula sa Tanggapan
β’ Certificate of Indigency mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) addressed to the OVP
β’ Valid ID (Back-to-back) ng namayapa at ng kinatawan.
Pagkatapos ng isang linggo o pitong (7) araw, ang Original Death Certificate (True Copy) o kung walang Death Certificate, ang Original Islamic Burial Rites Verification ay kailangang ma-sumite sa OVP-Southern Mindanao Satellite Office (SMSO).
Sa buhay man o kamatayan, patuloy na naglilingkod ang Tanggapan sa Diyos, sa Bayan at sa Bawat Pilipino.
Click here to claim your Sponsored Listing.