DepEd RXII Blingkong Central Elementary School
YOUR FUTURE IS OUR CONCERN
SERBISYONG MAY MALASAKIT PARA SA BATANG BLINGKONG
#PBB
15/06/2026
Ang Blingkong Central Elementary School ay handang-handa na sa muling pagtanggap sa ating mga mag-aaral ngayong linggo matapos ideklara ng Provincial Government ang lifting ng suspension.
Sa pangunguna ng ating butihing Punongguro, Ma'am Daisy V. Prio, MAEd, masusing isinagawa ang mga kinakailangang paghahanda upang matiyak ang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pag-aaral ng ating mga mag-aaral.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay EPS-LRMS Ma'am Sheryl Loria-Osano sa kanyang pagbisita sa aming paaralan at sa mahalagang technical assistance na kanyang ibinahagi. Ang kanyang mga rekomendasyon at gabay ay malaking tulong sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga programa at serbisyo para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Patuloy ang aming dedikasyon na makapaghatid ng de-kalidad na edukasyon sa isang ligtas at masayang kapaligiran. Sama-sama nating harapin ang mga hamon at pagkakataon tungo sa mas matagumpay na taong panuruan.
Welcome back, dear learners! Nawa'y maging makabuluhan, ligtas, at puno ng pagkatuto ang bawat araw sa ating paaralan. 💙📖
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Sultan Kudarat