Kiko Pangilinan

Kiko Pangilinan

Share

Para sa abot kaya at masarap na pagkain, agrikultura, pamilya, at karapatang pantao. Kumilos na kasama ni Kiko.

12/07/2026

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ž๐—”๐——๐—” ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ข: ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ฆ๐—˜๐—” ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒŠ

Noong Mayo 14, isang araw matapos ang shooting sa Senado, nagtungo tayo sa Pag-asa Island โ€” frontline island-barangay ng Kalayaan Island Group, bahagi ng maagang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng ating makasaysayang tagumpay sa arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Nagdala tayo ng mga suplay at buhรกy na patunay na ang kalayaan at pag-asa ay hindi lamang mga abstraktong konsepto, kundi mga pasyang pinipili nating isabuhay araw-araw.

Sa Kalayaan Island Group, nasaksihan natin kung paano matatag na binubuo ng ating mga kababayan ang kanilang buhay sa bingit ng panganib, at kung paano nila ginagawang isang pamayanan, kabuhayan, at tahanan ang mga bahura at karagatan.

Sa pagbisitang iyon, sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng iba nating mga partner, tumulong tayong magtatag ng mga salt bed sa Pag-asa Island upang ang isang pamayanang dating umaasa sa mga padala ng asin mula sa Palawan ay makapag-ani na ngayon ng sarili nitong pampalasa.

Pinapakita ng simpleng gawaing ito โ€” magkakasama ang tubig, sikat ng araw, at mga kamay ng tao โ€” kung ano ang posible. Na balang araw, ang asin mula sa Pag-asa ay makikilala sa buong Pilipinas. Magiging tahimik na patunay ang asin na ito na hindi isinusuko ng mga Pilipino ang ating mga karagatan.

Sa halip, ipinagtitimpla sa pagkain at ipinagtataguyod sa pamilya nang may pag-asa at kalayaan. Na pwedeng balang araw ay buong pagmamalaking maipagbili bilang Asin ng Pag-asa o Asin ng Kalayaan.

Ngunit ang pag-asa, hindi bulag sa katotohanan. At ang kalayaan, hindi basta na lamang ibinibigay.

Sa Pag-asa, nakausap natin ang isang mangingisda na umaming sa tuwing pumapalaot, nakakaramdam siya ng matinding pangamba. Nakaabang sa abot-tanaw ang mga barko ng Chinese maritime militia, at ang dati niyang pamilyar na pangisdaan, ginagawang panakot laban sa kanya.

Alam niyang nasa panig natin ang batas. Ngunit dahil sa mga dayuhang sasakyang-dagat, pinapaalala rin sa kanya na ang mga tagumpay sa batas, kailangang tumbasan ng tapang at kahandaang ipaglaban ang ating karapatan.

Ngayong ika-10 anibersaryo ng panalo natin sa arbitral tribunal, sumasaludo tayo sa kanya at sa bawat residente ng Pag-asa at ng Kalayaan Island Group. Sa ating mga kababayang tahimik na ipinagtatanggol ang Republika sa simple ngunit pambihirang pasya na tumira sa isla.

Ang hamon natin sa lahat ng Pilipino: Ipakita natin ang ating pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkilos. Bumisita. Sumuporta. Mamuhunan. Mag-organisa. Bumoto. Magturo. Ipagtanggol.

Ipagdiwang natin ang tagumpay na ito sa batas: Tumulong sa paglikha ng mga kabuhayan, ikwento ang kasaysayan ng Pag-asa at Kalayaan, at tiyakin na wala ni isang Pilipinong mangingisda ang muling makararamdam ng pag-iisa sa dagat.

Simula pa lamang ang ating tagumpay sa The Hague. Darating ang tunay na tagumpay kapag ang ating mga kababayan ay malaya at walang takot na nakakapamumuhay, nakakapangisda, at nakakapangarap sa West Philippine Sea; kapag ang Pag-asa at Kalayaan ay hindi na lamang mga pangalan ng mga isla, kundi isang katotohanang isinasabuhay ng bawat Pilipino.

Mabuhay ang Pag-asa! Mabuhay ang Kalayaan! Atin โ€˜to!

11/07/2026

Kasalukuyan nating bineberipika ang mga ulat tungkol sa umanoโ€™y pang-aabuso sa mga kooperatibang sertipikado ng pamahalaan sa ilalim ng Sagip Saka Law, sa pamamagitan ng farmers and fisherfolk enterprise development information system o FFEDIS.

Kung mapatutunayang totoo ang mga ulat na ito, isa itong seryosong paglabag sa Republic Act No. 11321 at malaking inhustisya sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Nakikipag-ugnayan na tayo sa Department of Agriculture at iba pang kaukulang ahensya upang alamin ang buong katotohanan at matiyak na mananagot ang sinumang lumabag sa batas.

Alinsunod sa Senate Resolution no. 9, inaatasan ang Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na magsagawa ng pagdinig ukol sa implementasyon ng Sagip Saka Law.

Isa sa mga tatalakayin sa pagdinig ang mga ulat na may ilang traders na umano'y gumagamit o bumubuo ng mga pekeng kooperatiba ng mga magsasaka upang makapasok sa negotiated direct procurement sa ilalim ng batas. Sisiyasatin din ang mga alegasyong may imported na bigas na nire-repack at ipinapasa bilang lokal na ani sa pamamagitan ng mga transaksyon sa ilalim ng Sagip Saka Law.

Layunin ng pagdinig na higpitan ang mga pananggalang laban sa pang-aabuso, tiyaking may pananagutan ang mga lumalabag, at pangalagaan ang tunay na diwa ng batas: na unahin ang mga lehitimong organisasyon ng ating mga magsasaka at mangingisda.

Habang naghahanda ang ating mga magsasaka at mangingisda sa paparating na bagyo, hindi natin sila pababayaan na tamaan ng isa pang unos: ang unos ng korapsyon. Ang Sagip Saka Law ay para sa mga tunay na nagtatanim, umaani, at pumapalaot, hindi para sa mga nananamantala sa kanilang pawis at paghihirap.

08/07/2026

Ipatatawag ng prosekyusyon ang mga sumusunod na witness sa impeachment trial sa susunod na linggo:

Lunes - Atty. Jeremy Lotoc, NBI Regional Director
Martes - Atty. Zuleika Lopez, OVP Chief of Staff
Miyerkules - Capt. Belinda Bello, House Legislative Security Bureau Executive Director

Photos from Kiko Pangilinan's post 08/07/2026

๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฉ๐—ข๐—ง๐—˜ ๐—ข๐—ก ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—” ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜๐—ฅ

๐—œ ๐˜ƒ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐—ป ๐—ณ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ pursuant to the Rules of Procedure on Impeachment Trials and consistent with the express text of the Constitution, the Senate's constitutionally granted rulemaking authority, and settled jurisprudence requiring that clear and unambiguous constitutional provisions be applied according to their express terms.

Basahin ang buong pahayag:

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Surallah?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Surallah