Pages For Paws
Animal rescue & welfare volunteers in Tanza, Cavite. Saving strays. Giving second chances. Rescue • Rehabilitate • Educate
22/06/2026
Help needed! Helping a furparent.
Kadagiti taga Isabela baka nakita yu apo ni Yumi 🙏
22/06/2026
LOST AND FOUND
📍 SpringTown
American Bully at Pomeranian.
Kung kayo po ang may-ari, mangyari lamang na magpakita ng sapat na patunay ng pagmamay-ari (mga larawan, vaccination records, o iba pang dokumento) bago maibalik ang mga a*o.
Pakipag-ugnayan lamang po sa amin o kay kung kayo ang tunay na may-ari. Maraming salamat.
20/06/2026
Kikiam started his first chemotherapy session yesterday. 🤍
This is the first step in his fight against TVT. Please continue to keep Kikiam in your prayers as he undergoes treatment. We are hopeful for his recovery and grateful to everyone supporting his journey.
20/06/2026
Pahinga ka na, Lumina. 🤍
You fought a great fight. Iwan mo na dito ang lahat ng alaala ng sakit, takot, at lungkot. Baunin mo ang pagmamahal na ibinigay at naramdaman mo. Baunin mo ang mga haplos, yakap, at mga taong lumaban para sa’yo hanggang sa huli.
Wala ka nang nararamdamang sakit ngayon. Malaya ka nang tumakbo, maglaro, at magpahinga nang payapa.
At sa taong gumawa nito sa’yo, hindi man namin makuha ang mga sagot na hinahanap namin, may hustisyang hindi kayang takasan. Si God na ang bahala.
Salamat po sa mga naging vet ni Lumina:
Circleoflife Veterinary Clinic
Furry Petfriends Vet Clinic and Grooming Center
Petformance Veterinary Clinic
Run free, Lumina. Run wild!!! 😭💔
20/06/2026
Please include Lumina in your prayers 😭
Vet is doing everything they could for Lumina. Pero hindi pa rin nababago ang condition niya and kanina nagstart mag labas ng blood ang mouth niya.
Lord, please heal Lumina 🙏
20/06/2026
Our 5th rescued beagle, si Chuchu.
Hindi rin alam ng reporter kung ano talaga ang nangyari kay Chuchu. Ngunit nang masuri siya, nakita na halos buong palibot ng kanyang bunganga ay may malalalim na sugat at matinding impeksyon. Sa itsura ng sugat, mukhang may kung anong bagay na matagal na naipalibot sa kanyang nguso na unti-unting bumaon at nagdulot ng matinding pinsala.
Sa blood parasite test result ay positive si chuchu sa Canine Anaplasmosis.
Ngayon ay naka-confine na si Chuchu sa Circleoflife Veterinary Clinic upang mabigyan ng agarang gamutan at masusing pangangalaga. Mabaho na ang sugat dahil sa impeksyon, ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, nananatili pa rin siyang malambing.
Laban lang, Chuchu.
Sa mga nais magbigay ng tulong kay Chuchu
For Chuchu
Gcash 09282222537 Jo***a Br*n A.
19/06/2026
Tenga
Rescued: March 25, 2026
Tuwang-tuwa kami lagi pag nakikita ka namin Tenga. Unang dating mo samin di mo maidilat mga mata mo dahil hanggang sa mukha mo umabot na mga bukol. Punong puno ng bukol katawan mo. After sessions of chemo and medications, ito ka na ngaun. Ung black color mo nawala nung nagshed ka, parang plain beagle na tuloy. Haha. Pati buntot ay mataba. 🐶
Salamat Lord, at sa lahat ng tumulong kay Tenga.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tanza
4108