OFW in Riyadh
(PROUD MAGUINDAON)
ASSALAMO ALAYKOM WARAHMATULLAHI WABARAKATUHO☝️
20/07/2026
20/07/2026
Follow for more Knowledge🫶
UMAR IBN AL-KHATTAB R.A.
May naitalang sinabi si Umar R.A sa isang lalaki na nagrereklamo tungkol sa anak niya:
"إنك قد عققته قبل أن يعقك"
"Ikaw muna ang sumuway sa kanya bago siya sumuway sayo"
Bakit nasabi ni Umar R.A yan?
Kasi nakita niya na yung anak naging suwail kasi napabayaan ng magulang.
Hindi tinuruan ng Adab, hindi tinuruan ng Qur'an, hindi binigyan ng oras.
Tapos nung lumaki at sumama, sinisi yung anak.
Si Umar R.A kilala sa katarungan at pananagutan Sabi niya:
"Ang anak ay Amanah. Tatanungin ka ni Allah tungkol dyan
كلكم راع وكلكم مسئول عن راعيتة
Sinabi Ng Rasulollah Lahat kayo ay taga PANGALAGA at Tatanungin kayo Tungkol sa Inyong inaalagaan.
Sinabi Ng Allah:
"يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا"
Iligtas niyo sarili niyo at pamilya niyo sa apoy" [66:6]
✍️🇸🇦🌻🌾
20/07/2026
🥰🥰😘😘
20/07/2026
kung may kina-iinggitan ka gawin mong Inspirasyon hindi pagsira sa kanya.
Sa Islam, may dalawang klase ng "inggit":
1. Hasad - yung inggit na may kasamang gusto mong mawala sa kanya yung meron siya. Yan ang pinagbabawal. Sinira niya puso mo at puso niya.
2. Ghibtah - yung nakikita mo yung biyaya niya tapos sabi mo "Ya Allah, gusto ko rin ng ganyan, pero wag mong kunin sa kanya." Ginagawa mong gasolina(Inspirasyon) yan para gumalaw ka.
Sa isang Hadith:
_"Mag-ingat kayo sa inggit, dahil tinutupok ng inggit ang mga kabutihan, tulad ng pagtupok ng apoy sa kahoy."_
*- Sunan Abi Dawud 4903, Sunan Ibn Majah 4210* - Hasan
Ibig sabihin: lahat ng dasal, zakat, tulong mo... pwedeng mawala ang gantimpala pag hinayaan mong kainin ka ng inggit.
Kaya kung may kina-iinggitan ka:
- Gawin mong du'a: "Mashallah, tabarakallah. Ya Allah, barik lahu, at bigyan mo rin ako ng katulad niyan kung makakabuti sa akin."
- Gawin mong checklist: Ano ginawa niya para makuha yan? Sipag? Aral? Pagtitiis? Gayahin mo yung proseso, hindi mo sirain yung tao.
📌Tandaan mo: Ang rizq ni Allah hindi nauubos. Yung para sa kanya, para talaga sa kanya. Yung para sa'yo, hindi mapupunta sa iba.
Sabi nga ng Propeta ﷺ: _"Walang hasad maliban sa dalawa: sa taong binigyan ni Allah ng kaalaman sa Qur'an at ginagamit niya ito, at sa taong binigyan ni Allah ng yaman at ginagastos niya ito sa tama."_
Ibig sabihin, pwede kang ma-inspire at mangarap ng katulad nun, pero sa mabuting paraan.
Masarap sa pakiramdam pag napapalitan ng "sana ako rin" yung "sana mawala sa kanya". Mas magaan sa dibdib, tapos mas mabilis ka pang umangat kasi naka-focus ka sa sarili mo, hindi sa paninira. ☝️☝️
✍️🇸🇦🌻🌾
20/07/2026
Pinaka Mainam na dhik'r bago matulog at pinakamainam na magiging huling salita mo
*LAA ILAHA ILLALLA'H*
📌Ang pagtulog parang maliit na "kamatayan", kaya mainam na tapusin natin ang araw na may pag-alala kay Allah.
Mga Dhikr na pwedi mong idagdag bago matulog*
1. *Wudhu muna*
2. *Ayat al-Kursi*
3. *3 Quls*
4. *Tasbih ni Fatima*
5. *Dua bago matulog, *Bismika Allahumma amutu wa ahya
6. *Paghingi ng tawad + paggunita*
*Astaghfirullah 100x*
*La ilaha illallah*
*Salawat sa Propeta ﷺ
📌PapaAno kung hindi ito magawa,mabigkas lahat dahil minsan sa sobrang pagod at antok? Sagot: Walang problema.
Alam ni Allah yung pagod mo at antok mo. Hindi ka niya bibigatan.
*Ang mahalaga ay yung puso at hangarin mo.*
Sabi ng Propeta ﷺ: _"Ang pinakamainam na dhikr ay La ilaha illallah"_
At yung hadith na _"sinuman ang huling salita niya ay La ilaha illallah ay makakapasok sa Jannah"_ — wala nang dagdag. Yan lang mismo.
Kaya kung sobrang pagod ka na at hindi mo na kaya yung Ayat al-Kursi, 3 Quls, at Tasbih:
1. *La ilaha illallah* - sabihin mo lang 3x o kahit 1x sa puso.
2. *Bismika Allahumma amutu wa ahya* - maikling dua bago matulog
3. Tapos pumikit ka na
Yun na yun. Tinanggap na yun ni Allah InshaAllah.
Hindi kompetisyon sa dami. Ang Allah tumitingin sa sinseridad, hindi sa haba.
Minsan nga ni sa dila hindi na makapagsalita, pero sa puso lang binubulong: *La ilaha illallah* — sapat na yun.
Kaya wag kang mag-alala. Ang importante, natapos ang araw mo na may pag-ala kay Allah.
✍️🇸🇦🌻🌾
20/07/2026
ANG KUWENTO NG ISANG BALIK ISLAM NGUNIT TUMALIKOD NG DAHIL SA PAGSUBOK AT ANG PARUSANG NAKALAAN SA MGA KATULAD NIYA"
Sinabi ng Propeta (ﷺ) ng ALLAH;
"Ang mga taong pinakamabigat na sinusubok ay ang mga propeta, pagkatapos ay ang mga higit na katulad nila, pagkatapos ay ang mga kasunod nila.
Ang tao ay sinusubok ayon sa antas ng kanyang pananampalataya."
[Jami' at-Tirmidhi (2398) – hasan sahih; gayundin sa Sunan Ibn Majah]
Sa isang maliit na bayan sa Mindoro ay may isang lalaking nagngangalang Salvador na kapag may mga talakayan patungkol sa paniniwala ay madalas siyang nakikinig at nagtatanong.
Lumaki siyang napapaligirin ng mga taong walang paniniwala sa Islam at mismong angkan niya ay salungat sa Islam.
Ngunit isang araw, ginabayan siya ni ALLAH. Niyakap ang Islam at pinag-aralan ang Qur'an at Sunnah. Ang kanyang puso ay napuno ng liwanag ng Tawheed.
Madalas niyang sabihin: "Kung hindi ako ginabayan ni ALLAH, hindi ko kailanman makikilala ang katotohanan.
Naging masigasig siya sa Salah, pagbabasa ng Qur'an, at pag-aaral ng kaalaman. Marami ang natuwa sa kanyang pagbabago.
Ngunit sinabi ni ALLAH (ﷻ);
"Iniisip ba ng mga tao na pababayaan silang magsabi: 'Kami ay sumampalataya,' nang hindi sila susubukin?"
[Surah Al-'Ankabut 29:2]
Lumipas ang mga taon. Nawalan siya ng trabaho. Iniwan siya ng ilang kaibigan. Pinagtawanan siya ng kanyang pamilya dahil sa Islam. Dumating ang matinding kahirapan at sunod-sunod na pagsubok.
Sa halip na magtiis at humingi ng tulong kay ALLAH, unti-unti siyang lumayo sa Islam at mapabayaan ang Salah.
Hanggang Isang araw ay sinabi niya:
Kung ito ang kapalit ng pagyakap ko Islam, mas mabuti pang bumalik ako sa dati."»
Unti-unti niyang tinalikuran ang Qur'an, iniwan ang Salah, at kalaunan ay itinakwil ang Islam. Ito ang tinatawag na Riddah (Apostasiya).
Sinabi ni ALLAH (ﷻ);
"At sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang relihiyon at mamatay habang siya ay isang kāfir, ang kanilang mga gawa ay mawawalan ng saysay sa mundong ito at sa Kabilang-Buhay, at sila ang mga maninirahan sa Apoy magpakailanman."
[Surah Al-Baqarah 2:217]
Ipinaliwanag Ng mga Muffassir na si Ibn Kathīr at al-Baghawī na ang talatang ito ay malinaw na nagsasaad na ang taong tumalikod sa Islam at namatay sa gayong kalagayan ay nawawalan ng kabuluhan ang lahat ng mabubuti niyang ginawa, at hindi siya makikinabang sa mga iyon sa Kabilang-Buhay.
Sinabi ni ALLAH (ﷻ);
"Katotohanang yaong mga tumalikod matapos maging malinaw sa kanila ang tamang patnubay—si Satanas ang nagpaganda ng kanilang landas at nagbigay sa kanila ng maling pag-asa."
[Surah Muhammad 47:25]
Ipinaliwanag ng mga mufassir na matapos malinawan ang katotohanan, ang pagtalikod dito ay bunga ng pagsunod sa mga bulong ni Shayṭān at sa pagnanasa, hindi dahil sa kakulangan ng katibayan.
Sa kanyang mga huling araw, nagkasakit si Salvador,
Dinalaw siya ng ilang Muslim at nakiusap:
"Kapatid, magsisi ka habang may oras pa.
Ngunit matigas ang kanyang puso.
Ilang sandali bago siya namatay, hindi na niya na bigkas ang Shahādah.
At siya ay namatay sa kalagayang tumalikod sa Islam.
Sinabi ni ALLAH (ﷻ);
"Katotohanan, hindi pinatatawad ni ALLAH ang pagtatambal sa Kanya, ngunit pinatatawad Niya ang anumang mas mababa rito sa sinumang Kanyang naisin."
[Surah An-Nisā' 4:48]
Ang Matinding Kalagayan ng Taong Namatay sa Kufr
Nang mailibing siya, nagsimula ang unang yugto ng Kabilang-Buhay.
Nawala ang ingay ng mga tao. Humakbang palayo ang kanyang mga mahal sa buhay. Naiwan siyang mag-isa sa kanyang libingan.
Dumating ang mga anghel upang tanungin siya.
Ngunit dahil namatay siyang tumalikod sa pananampalataya, wala siyang maisagot. Hindi siya pinagkalooban ni Allah ng katatagan.
Sinabi ni ALLAH (ﷻ);
"Pinatatatag ni ALLAH ang mga sumampalataya sa matatag na salita sa buhay na ito at sa Kabilang-Buhay.
[Surah Ibrāhīm 14:27]
Pagkatapos nito, nagsimula ang kaparusahan sa barzakh.
Sinabi ni ALLAH tungkol sa mga taong tumanggi sa katotohanan:
"Ang Apoy, inilalantad sila rito tuwing umaga at hapon; at sa Araw na itatatag ang Oras ay sasabihin: 'Ipasok ninyo ang angkan ni Fir'awn sa pinakamatinding parusa.'"
[Surah Ghāfir 40:46]
Ipinaliwanag ng mga mufassir, kabilang si Ibn Kathīr, na ang paglalantad sa Apoy tuwing umaga at hapon ay tumutukoy sa kaparusahan sa barzakh, bago pa man ang Araw ng Paghuhukom.
Ayon sa isang sahih na hadith, sinabi ng Propeta (ﷺ) Ng ALLAH;
"Kapag ang isang tao ay namatay, ipinapakita sa kanya ang kanyang magiging hantungan tuwing umaga at gabi.
Kung siya ay kabilang sa mga tao ng Paraiso, makikita niya ang kanyang lugar sa Paraiso; at kung kabilang siya sa mga tao ng Impiyerno, makikita niya ang kanyang lugar sa Impiyerno.
Sasabihin sa kanya: 'Ito ang iyong magiging hantungan hanggang sa ibuhay kang muli ni ALLAH sa Araw ng Pagkabuhay.'"
[Sahih al-Bukhari at Sahih Muslim]
Ang kanyang libingan ay hindi naging lugar ng pahinga, kundi lugar ng paghihintay sa higit pang kaparusahan.
At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, haharap siya sa mas matinding pagdurusa kung namatay siya sa kufr nang walang pagsisisi.
Sinabi ni ALLAH (ﷻ);
"Katotohanan, ang mga tumangging sumampalataya at namatay habang sila ay mga kāfir—hindi tatanggapin ang anumang pantubos mula sa kanila, kahit mapuno pa ng ginto ang buong daigdig. Sila ay magkakaroon ng masakit na kaparusahan."
[Surah Āl 'Imrān 3:91]
Mahahalagang Paalala
Ang pintuan ng tawbah ay bukas habang ang tao ay buhay. Walang sinuman ang maaaring humatol na ang isang partikular na tao ay tiyak na namatay bilang murtad maliban kung ito ay tunay na napatunayan.
Ang kuwentong ito ay isang paalala tungkol sa panganib ng pagtalikod sa pananampalataya at sa kahalagahan ng pagiging matatag sa gitna ng pagsubok.
Nawa'y panatilihin tayo ni ALLAH sa katatagan hanggang sa huling hininga.
"Aming Panginoon, huwag Mong ilihis ang aming mga puso matapos Mo kaming patnubayan, at ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong habag.
Tunay na Ikaw ang Pinakamapagbigay."
[Surah Āl 'Imrān 3:8]
At si ALLAH ang Ganap na Nakakaalam
Quran & Hadith verse by verse group of Schoolar studies
✍️🇸🇦🌻🌾
20/07/2026
HAHATIIN BA ANG KAYAMANAN NG MAG-ASAWA KAPAG SILA AY MAGHIWALAY?❗❗❗
👉 Kapag naghiwalay ang mag-asawa ay walang mamamanahin o paghahatian na kayamanan mula sa kayamanan ng kanyang asawa dahil ang bawat isa ay kanya parin pagmamay-ari ang sarili nitong kayamanan.
- Hindi maaaring hatiin ang kayamanan o bawasan maliban lamang kung ang nasabing kayamanan ay nagkaroon ng ambag ang bawat isa, magkagayun, ay makukuha lamang niya ang halaga ng kanyang naiambag at kung sakali wala siyang naiambag ay wala siyang makukuha mula sa kayamanan ng kanyang asawa.
- Magkakaroon lamang ng mana ang asawa mula sa kayamanan ng kanyang asawa kapag ito ay namatay na kasalukuyan pa silang mag-asawa o nahiwalayan na hindi pa natapos ang Iddah liban sa paghiwalay na Khulo dahil ang Khulo ay hindi magmamana.
👉 Ang batas ng Conjugal Property (paghahatian ang kayamanan kapag nagkahiwalay) ay hindi po ito batas ng Islam❗❗❗
Magkaiba po ang batas ng Islam sa ganitong batas (Conjugal Property).
👉 Kapag nagkahiwalay ang mag-asawa, ang bawat isa ay kukunin lamang kung ano ang kanyang kayamanan.
- Kung ang bahay ay pagmamay-ari ng babae, kailangan umalis ang lalaki at wala siyang makukuha sa bahay maliban kung ano ang kanyang naiambag.
- Kung ang bahay ay pagmamay-ari ng lalaki, lalabas ang babae kapag natapos na ang kanyang Iddah at makukuha lamang ang halaga na kanyang naiambag kung siya ay may naiambag at mananatili parin ang sustento sa babae habang hindi pa natatapos ang Iddah.
Gayundin ang sustento sa mga anak ay mananatili parin na obligasyon ng lalaki hanggang sa makapag-asawa ang anak na babae at makapaghanapbuhay ang anak na lalaki.
👉Sinabi ni Allah: "…At huwag ninyong kainin ang inyong mga kayamanan sa maling pamamaraan." [Al Baqarah: 188].
👉 Sinabi ng mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): “Hindi ipinahintulot sa sinuman na kunin ang kayamanan (kayamanan, ari-arian, pagkain etc..) ng isang Muslim maliban kung ito ay bukal sa kanyang kalooban (ibinigay o ipinahitulot na walang pagpipilit)“ Inulat ni Imam Ahmad
👉👉NOTE: Kung kusang-loob na hinati ng asawa ang kanyang kayamanan at ibigay sa nahiwalayang asawa na walang pagpipilit ay ipinahintulot po ito at siya ay gagantimpalaan ng malaki sa kanyang pagkawanggawa.
PAALAALA:
♦️ Ang post namin ay para sa mga Muslim lamang (batas ng Sharia)❗
♦️ Ang bahay hukuman o sinumang may kapangyarihan na magpahiwalay ang mag-asawa, iwasan po natin na hatiin ang kayamanan ng mag-asawa ng hindi makatarungan dahil ito ay pananagutan sa huling araw.
👉Isa sa pinaka malaking kawalan ng katarungan na ginagawa ng iilan na kapag nakipaghiwalay ang babae ay wala siyang makukuha sa kanyang kayamanan❗
Kapag ang Hiwalayan ay Faskh ay walang maibabayad ang babae.
Kapag ang Hiwalayan ay Khulu, ang tanging maibigay ng babae ay na Mahar ay (maaring 1/3 o 1/4 o 1/2 o buo) ngunit mas mainam ay mas mababa dahil pinakinabangan din niya ito.
👉 Kung ang Mahar ay 2 litro ng coke at isang skyflakes ay kailangan ang maibalik ay mas mababa😁✌
pagkakasala na na
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
قال الله تعالى: (وَلَا تَأْكُلُوا أَمْوَالَكُمْ بَيْنَكُمْ بِالْبَاطِلِ) البقرة 188
حديث: "لا يحل مال امرئ مسلم إلا بطيب نفس منه" رواه أحمد وأصحاب السنن وصححه الألباني
✍️🇸🇦🌻🌾
fans
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Riyadh