DepEd Tayo - Youth Formation - Labac ES
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo - Youth Formation - Labac ES, School, Labac, Cuenca, Batangas, .
30/12/2025
129th Anniversary of Martyrdom of Dr. Jose P. Rizal
𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗦𝗜 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟 𝗗𝗔𝗬
Sa araw na ito 129 taon ang nakararaaan, binitay sa pammagitan ng pagbaril si Jose Rizal sa Bagumbayan (kilala ngayon bilang Liwasang Rizal Luneta). Pinaratangan ng mga Espanyol si Rizal bilang diwa ng Himagsikan laban sa pamahalaang kolonyal.
Bilang pag-alaala sa kaniya at sa mga Pilipinong nagbuwis ng buhay sa landas ng paglaya, itinalaga ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang ika-30 ng Disyembre bilang pista opisyal at pambansang araw ng pagluluksa.
Magkakaroon ng pag-aalay ng bulaklak sa puntod ni Rizal sa Pambansang Bantayog ni Jose Rizal, Liwasang Rizal Luneta, Maynila. Magkakaroon din ng lektura at art workshop sa NHCP Museo ni Jose Rizal Fort Santiago (Dambanang Jose Rizal Fort Santiago) sa Intramuros, Maynila.
Alamin ang iba pang mga gawain para sa Araw ni Rizal sa link na ito:
https://nhcp.gov.ph/news_and_updates/129th-anniversary-of-the-martyrdom-of-jose-rizal-to-be-commemorated
Happy Teacher's Day!
Labac Elementary School
*withparentsconsenttopostvideoofpupils
27/04/2024
27/04/2024