John sa UK
UK-based Filipino Dad
Raket Engineer
Host: Dinala sa UK Podcast
Magandang song choice para makatulog ang bata.
29/05/2026
Matatawa ka na lang talaga na yung pinoproblema mong sobrang laki dati, katiting na parte lang pala ng buong kwentong pinagbibidahan mo.
Itong picture na βto, 2 weeks pa lang kami sa UK.
Parang angsasaya sa picture no? At totoo naman. Masaya kami dahil magkakasama kami bilang pamilya, sa UK pa :βπ¬
Pero ang hindi nakikita sa litrato, sobra yung anxiety ko han jan kasi wala pa akong trabaho.
Wala akong idea kung may mahahanap ba ako. Wala akong kasiguraduhan kung magiging okay ba kami dito.
Syempre tayong mga tatay, may pressure na kailangan nating mag-provide at makatulog kay misis.
Kya sinong di tatamaan ng kaba at worries diba?
Kasi pano na lang kung magtagal nawalang work? Umaabot pa nga sa βTama kaya na nag UK pa kami.β
Kaya nakakatuwa eh. Fast forward almost 4 years later.
At yung problemang akala ko noon pinakamalaking bagay na pinoproblema at kinakakaba ko sa noon, naging maliit na part lang sya ng buong UK journey namin.
May mga problema at worries pa din pero alam mong nagpoprovide si Lord.
Kaya kung may pinagdadaanan ka ngayon, baka kailangan mo lang itong marinig.
Minsan talaga kapag nasa gitna tayo ng problema, feeling natin yun na ang buong kwento.
Pero madalas, isang chapter pa lang pala sya ng pinagbibidahan nating istorya πβ€οΈπ¬π§
Click here to claim your Sponsored Listing.