Security 201 File
Humble & Kind
25/06/2026
Sana hindi ito Gwardya. At sana hindi bangag.
Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos aksidenteng mabaril ang sarili at matuklasang hindi lisensiyado ang baril na kaniyang dala sa Barangay San Agustin, Malabon City.
24/06/2026
Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na na-trace sa dalawang lugar ang .38 calibre revolver na baril na ginamit ng 15 years old na suspek sa shooting incident sa loob ng pampublikong paaralan sa Tacloban City.
Aniya, ang serial number ng nasabing baril ay na-trace sa isang security agency sa Cebu.
Ngunit nang tanungin naman kung nasaan ang aktuwal na presensya nito, ito ay na-trace naman sa Bohol.
15/06/2026
πππ ππππππππ ππ ππ πππππ πππππππ? | ππππ ππππππππππ πππ πππππππ πππππππ ππππππππ ππ ππππππππ ππππππππππ πππππππ ππ πππππππ ππ πππππππππππ πππππ πππ ππ ππππ?
MAYNILA β Iginiit ni dating congresswoman Bernadette Herrera na malinaw ang probisyon ng Konstitusyon hinggil sa kahingian ng boto ng Senado at hindi ito dapat bigyan ng bagong interpretasyon upang umayon sa anumang layuning pampulitika.
Ang pahayag ni Herrera ay tugon sa mga argumento ni Manila 3rd District Congressman Joel Chua na hindi na dapat isama sa bilang ng mga senador ang mga hindi nakadadalo o hindi nakikilahok sa mga pagdinig at deliberasyon ng Senado.
Ayon kay Herrera, hindi kailangang maging abogado upang maunawaan ang simpleng prinsipyo na ang isang halal na opisyal ay nananatiling miyembro ng Senado hangga't hindi siya natatanggal sa puwesto sa pamamagitan ng itinakdang proseso ng batas.
βKung senador ka pa rin, bahagi ka pa rin ng Senado. At kung bahagi ka pa rin ng Senado, kabilang ka pa rin sa βall the Members of the Senate,ββ diin ni Herrera.
Ipinaliwanag niya na malinaw na nakasaad sa Konstitusyon ang terminong βtwo-thirds of all the Members of the Senate,β at hindi ito tumutukoy lamang sa mga kasalukuyang dumadalo, nakikilahok, o bumoboto sa isang usapin.
Binigyang-diin din ni Herrera na ang pagkakadetine o pansamantalang kawalan ng kakayahang makadalo ng isang senador ay hindi nangangahulugang nawawala na ang kanyang pagiging miyembro ng Senado.
Ayon sa dating kongresista, kung may paniniwalang hindi na dapat bilangin ang isang senador bilang miyembro ng kapulungan, kinakailangan muna itong mapatalsik sa pamamagitan ng constitutional process.
βHindi maaaring makamit sa pamamagitan ng bagong interpretasyon ng Konstitusyon ang bagay na hindi naman maaaring makamit sa ilalim mismo ng Konstitusyon,β aniya.
Dagdag pa niya, hangga't walang pinal na hatol o legal na proseso na nag-aalis sa isang senador sa kanyang katungkulan, nananatili itong bahagi ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Senado.
βAng dami ng taong paulit-ulit na nagsasabi ng isang bagay ay hindi awtomatikong nagpapatunay na ito ay tama o naaayon sa Konstitusyon,β.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Abu Dhabi