Agent Ric Diaz

Agent Ric Diaz

Share

Agent Ric Diaz blog discusses legal matters, law enforcement and current issues.

17/07/2026

Sabi daw sa SWS survey, 58 percent daw ng mga tinanong ay satisfied sa performance ni VP Sara Duterte! Anong performance? Ano ang basis ng tanong? Dahil WALA naman siyang performance, eh di mali ang tanong! Ano kaya kung ang tanong ay "Ano ang nagawa ni VP Sara Duterte na nagustuhan ninyo? Pustahan tayo mag-iiba ang resulta! Kasi hindi nila masasabi kung anong nagawa dahil WALA! So hindi ako naniniwala sa mga survey na iyan!

15/07/2026

Tanong ko lang, papano makaka apekto ng integridad ng impeachment court kung iimbestigahan ng NBI si Allan Bitter Caldero? Ibig sabihin synonymous ang buong senado kay Allan C.? Siya lang naman ang Chairman ng Phisgoc (Phil. Southeast Asian Games Organizing Committee). Wala naman koneksyon ang ibang senador dyan. Panahon na para masusing imbestigahan ang ginastos na 10 bilyones pesos sa okasyong iyan dahil nangangamoy yan nuong panahon pa ni Duterte. Hindi naman naniniwala ang mga tao sa pahayag ni Allan C. na walang anomaliya ang lahat ng transaksyon dyan at fully liquidated na at yun daw kalderong nagkakahalaga ng 55 milyones ay private fund. Mahirap maniwala sa tulad ni Allan C. na walang kredibilidad at may sariling version ng mga pangyayari na hindi akma sa realidad. Ehemplo niyan ay hanggang ngayon, pagkatapos na imbestigahan ng PNP at Ombudsman suportado ng CCTV at iba pang ebedensya, ini-insist pa rin ni Cayetano na under attack ang senado ng NBI? Iyan ba ang taong dapat paniwalaan na buking na nga, patuloy pa ang pagsisinungaling at walang tigil na bukadora (talkative). Dapat imbestigahan ang 2019 Southeast Asian Games 10 billion pesos expenses para nalaman ng taumbayan ang katotohanan!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Melbourne?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Melbourne, VIC