Team Raket UK
Pinoy Family na Nakikipagsapalaran sa UK.
09/07/2025
Di ko alam kung kililigin ako or malulungkot.โบ๏ธ๐ฅบ
Bwiiiiset ka ChatGPT! ๐
Pero if you want the prompt I used, nasa baba ๐
07/07/2025
Akala namin di na matutuloy to kasi yung weather forecast is a rainy weekend.
Pero grabe, mukang umubra yung pagsabit ko ng brip sa bubungan namin at napagbigyan kami ng weather.
May ulan from our house going here pero ayun pagdating dito ay saktong weather para maenjoy yung picnic.
Treat nga pala to nung mag-asawang na naging parang mga kakambal na namin dito sa UK. Mukang huling hirit bago lumabas ang baby Innuminati nila ๐
Nakakatuwa lang na unti unti naming nahahanap yung tribe namin dito sa UK. Isang bagay yun na mahalaga dito lalo at napakalayo talaga natin sa Pinas.
Sa mga nagtatanong isa dito po yan:
๐ Castle Farm Lavender Fields, Sevenoaks TN14 7UB
๐งบ Yung binook namin is yung Picnic Area.
๐๏ธ Tickets starts at ยฃ13 per person.
You can bring your own food pero option to book a whole picnic experience na sila na magprovide ng Wine, Juice and Bread.
Check nyo na lang din sa website nila yung iba pang options kasi pwede din na parang walking fields or may tours din sila.
24/06/2025
Hanggang ngayon naiisip ko pa din yung sinabi ng anak ko noong nakaraan..
Sports day kasi nila and families are invited
Syempre ako nagfile na ng half day leave kasi stage dad ako, este, talagang nilalaanan ko ng oras na maging present sa mga ganitong events nya.
Ang problema, nacancel yung event kasi ayaw tumigil ng ulan. So no choice yung school but to move it.
Kaso, ang problema eh di ko naman nacancel na yung leave ko. Di lang naman ako yung affected, lahat din halos ng parents ay disappointed.
Pero buti na lang eh natapat ng Friday yung bagong date. Sakto kasi dayoff ako, pero di ko muna sinabi sa anak ko na pwede akong magattend ulit.
Tinesting ko sya kung ano bang magiging reaction nya. Sabi ko โIs it ok if di muna ako makkaatend kasi di na ako pinayagan ng boss ko to leave work that day?โ
Di ko makakalimutan yung sagot nya.
โAhhhhhh, But you wonโt see me winning.โ Yan yung sagot nya.
Alam mo, sobrang simple nun pero narealize ko, napakalaking bagay pala sa anak ko na nandon kami when she wins.
Siguro isa to sa mga moment na magiging part ng core memory nya at iti-treasure nya din pagtanda at napakaswerte naming mag-asawa kasi we have the privilage to be there.
Kaya ayun..
Nung araw ng sports day nya, hulaan nyo kung sino ang stagedad ๐.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Bournemouth