Lezo Integrated School

Lezo Integrated School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lezo Integrated School, San. Isidro Cor. J. M. Reyes Street, Poblacion, Lezo, Aklan.

12/06/2026

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 | 𝗟𝗜𝗦, 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

LEZO, AKLAN — Nagsagawa ng General Parent Orientation nitong Huwebes, Hunyo 11, ang High School Department ng Lezo Integrated School (LIS) para sa opisyal na pagbubukas ng klase sa School Year 2026-2027.

Pinangunahan ni Gng. Sheryl Mae Caballero ang programa na sinundan ng pambungad na mensahe mula kay Gng. Dionilyn Nepomuceno, Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA).

Ipinakilala naman ni Gng. Myleen Yerro, Teacher VI at Guidance Designate, ang mga nagtuturo at di-nagtuturong kawani ng paaralan.

Matapos ito, sinimulan ni G. Jemar Isturis, School Principal III, ang pangunahing bahagi ng programa sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga ipatutupad na patakaran ng paaralan at mga inaasahan para sa bagong taong panuruan. Dagdag pa rito, ipinakilala rin niya si Gng. Wenna Mae Manares na kasalukuyang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng bayan.

Ibinahagi ni Gng. Manares ang konsepto ng positive parenting kung saan tinalakay niya ang mga paraan ng pagmamagulang na nakatuon sa maayos at angkop na pagpapalaki, pagsuporta, at paghubog sa disiplina ng mga bata. Ihinalintulad niya ang pagpapalaki ng anak sa paggawa ng isang paso.

"Kung paalin man kita mag-form it kaang, maw ron man kunta ka-perfect naton i-form ro atong mga unga," paalala pa nito sa mga magulang.

Sumulat | Christyl Bartolay, Jewel Fernandez
Larawan | Andrei Nanson, Jerald Temple
Naglatag | Rewyn Ureta

Photos from Bayangan Publication's post 07/06/2026

🩵🩵🩵

Want your school to be the top-listed School/college in Aklan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


San. Isidro Cor. J. M. Reyes Street, Poblacion, Lezo
Aklan
5605