PPSK Rhoi Andres

PPSK Rhoi Andres

Share

Responsable’t Maaasahang Aksyon

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 20/04/2026

Isinagawa ang ika-20 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Alabat ngayong Lunes.

Buong puso palagi tayong nakasuporta sa mga layunin at hangarin ng mga resolusyon at ordinansa na ipinapanukala ng ating mga kapwa lingkod-bayan.

Nagpapatuloy tayo upang maging boses ng hanay ng mga Kabataang Alabatin sa loob ng Kagalang-galang na Sangguniang Bayan.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 12/04/2026

Ginanap ang ika-4 na Pangkaraniwang Sesyon ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Silid-Pulungan ng Pambayang Pederasyon ng Liga ng mga Barangay.

Naging panauhin ng bumubuo ng Pederasyon ang mula sa Out of School Youth kasama ang kanilang Pangulo sa pamamatnubay ng MSWDO Staff Ma’am Jeanette Josol.

Ang mga pangunahing agenda naman na natalakay ay ang mga sumusunod;
1. COA Report Deadline
2. PPSK Federation Budget 2026
3. Annual Dues Report
4. Linggo ng Kabataan Preparation
5. Seminar of SK 2026

Mas pinaiigting ng PPSK Federation ang patuloy na paggampan sa tungkulin bilang mga lider-kabataan sa ating bayan.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 08/04/2026

Ikaapat na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion Uno ngayong taon.

Pagkatapos ng sesyon ay isinaayos din ang mga dokumento at iba pang kailangan para sa isasagawang KK Assembly ngayong taon.

07/04/2026

𝗙𝗨𝗡𝗗𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥 𝗔𝗧𝗧𝗬. 𝗝𝗔𝗕𝗕𝗘𝗥

In the spirit of solidarity and service, the Public Administration League of Students (PALS) humbly calls on the SLSU community to extend support to one of our own, Atty. Jabber D. Al Mazrouie.

A proud BPA alumnus and former student leader, Atty. Jabber has exemplified commitment, integrity, and leadership throughout his years of service. From serving as a CBA and CABHA Student Council Senator to leading key committees under SSCF, his contributions have left a lasting impact on the SLSU community. Recently, he achieved a major milestone by passing the Bar Examination, an accomplishment earned through perseverance and dedication.

However, he is currently facing a serious health condition that requires urgent medical attention. The financial burden of his hospitalization and continuous treatment has become overwhelming for him and his family.

With this, we are knocking on your generous hearts. Any amount you can share will go a long way in supporting his recovery journey.

For our kind donors, you can scan the official QR code provided in our publication materials for a more convenient transaction, or directly coordinate with our PALS Auditor, Camille Salvanera, for verified assistance and inquiries.

Let us come together as one community, because leadership does not end in service, it continues in compassion.

💙💛❤️

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 07/04/2026

Isinagawa ang Misa at Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Unang Lunes ng Buwan ng Abril ngayong taon.

Hindi lamang ito simpleng pagtataas ng watawat kun’di simbolo ito ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at panahon para dito.

Kaalinsabay rin ng pagtataas ng Watawat ang panunumpa sa harap ng publiko upang patunayan ang nilalaman ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) na isa sa mga tungkulin ng mga halal na opisyal na ilahad para sa isang tapat at malinis na paglilingkod.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 06/04/2026

Matagumpay na naisagawa ang Alabat Youth Sports Festival 2026 sa ating bayan.

Pinangunahan ito ng ating Punong-Bayan Kgg. Eizelle Avellano-Canimo kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Kgg. Hilda Ursolino.

Kasama rin natin ang buong pwersa ng Sangguniang Kabataan ng Alabat sa pagtataguyod ng ganitong programa para sa ating mga Kabataan.

Ngayong bakasyon, nais natin na maiiwas ang mga kabataan sa mga pagkakasangkot sa krimen o ilegal na gawain. Layunin natin na pag-isahin ang Kabataan para sa isang Masagana, Mapayapa, at Masayang Bayan ng Diyos.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 31/03/2026

Naipamahagi na natin ang libreng Jersey Uniform sa ating mga manlalaro para sa nalalapit na Summer Basketball League sa ating bayan ngayong Taon.

Kasama natin sa pamamahagi ang SK Official ng Poblacion Uno, SK Jonard at SK Trick Sie na ginanap sa 3x3 Basketball Court ng ating barangay.

Mula ito sa pondo ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion Uno. Nasa dalawampu’t anim (26) na mga kabataan ang mapalad na tatanggap/tumanggap. Sila ang mga Kabataang magbabandera ng husay at galing ng Poblacion Uno sa larangan ng Basketball.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 27/03/2026

Isinagawa ang Alabat Local Youth Development Council sa PPLB Session Hall.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang iba’t ibang organisasyon ng hanay ng Kabataan. Ilan dito ang mula sa 4H-Club, Alabat Volleyball Community (AVC), SSLG of AINHS, LGBTQIA++, Out of School Youth, kasama ang Local Youth Development Officer and Staff.

Natalakay natin ang Annual Plan ng LYDC para sa taong 2026. Humingi rin tayo ng mga update sa mga upcoming activities and program ng kanilang mga organisasyon.

Layunin natin na higit pang maging aktibo at kaagapay ang Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa mga ilulunsad nilang programa at proyekto para sa hanay ng kabataan.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 26/03/2026

Sa Ikalawang Araw ng Youth Camp na ginanap sa AINHS ay nakapagbahagi tayo ng kaalaman tungkol sa Parliamentary Government.

Tinalakay natin sa mga mag-aaral ang trabaho ng Lehislatura at Ehekutibo at kung paano ang nagiging proseso ng pagpapatakbo ng Gobyerno.

Kasama natin sa ikalawang araw ng Youth Camp ang ilang Sangguniang Kabataan Chairperson. Ang programang ito ay sa pakikipag-ugnayan ng SSLG, PINTKASI, at ng hanay ng Sangguniang Kabataan.

Mabuhay ang mga lider-kabataan, mabuhay ang mga mag-aaral na pag-asa ng bayan.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 25/03/2026

Dumalo tayo kahapon sa AINHS para sa dalawang programa. Ang Battle of the Band at ang Awarding for BeautyQuest ng AINHS.

Binabati natin ang mga g**o at mag-aaral sa pakikiisa sa naging programa ng kanilang paaralan upang maisulong ang isang malinis at maayos na silid-aralan para sa higit na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pagbati rin sa mga mag-aaral na nagwagi sa Battle of the Band kung saan ay sila din ang ating ilalaban sa Battle of the Band na bahagi ng Linggo ng Kabataan.

Photos from PPSK Rhoi Andres's post 23/03/2026

Panauhing Tagapagsalita sa Matter Carmeli Catholic School sa ginanap na Recognition Day mula Nursery hanggang Grade 9 ngayong araw.

Bilang Guest Speaker, sinariwa natin ang mga panahon na tayo ay nag-aaral mula Elementarya hanggang Kolehiyo. Niyakap natin ang pag-aaral sa loob ng 17 taon—sa kabila nito’y marami tayong naging karanasan na higit sa ating nagpatatag bilang tao.

“Mula sa pagiging isang mahiyain na bata, isang batang maingay sa klase at walang inatupag kun’di magpatawa ay ngayon ay nandirito at humaharap sa inyo bilang naging isang Cum Laude noong College, naging Lisensyadong G**o, naging Masters in Education, Emcee at Manunulat, at ngayon ay naging isang ganap ng Public Servant.

Sa kabuuan ng mga kwento at karanasang aking naibahagi, mga mag-aaral nawa’y patuloy lamang kayong lumipad sa alapaap, ibuka niyo lamang ang inyong mga pakpak, hanggang sa marating ninyo ang dulo ng inyong mga pangarap.”

Sa huli ipinauwa natin na ang paglilingkod bilang lider-kabataan ay hindi dapat mabahiran ng pangalan bagkus ay dapat bahiran ng isang karangalan.

Maraming salamat po MCCS sa mainit na pagtanggap!!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Alabat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Poblacion 1
Alabat
4333