MhiyayVlog
🥰POBRENG OFW VLOGGER🙏👼
CHICKEN PASTIL..
GANITO BA ANG PAGLUTO?☺️😀😋
IBA'T - IBANG HAYUP....
SA MUNDO NG MGA TAO...
PAGTATATUWA....
Ang pagkakahalintulad sa taong iyong kakilala ayon sa paglalarawan ng may akda ay hindi sinasadya. 😆😁🤣😂ko
1. TRAYDOR
Ang ahas, madalas makita
sa masukal na kagubatan.
Pero sa mundo natin,
maaaring nasa tabi mo lang,
nakasuot ng magarang damit
at maposturang barong.
Ngunit, nagkukubli ang isang ulupong!
Ang iba nama'y nagtatago
sa di kagandahang kasuotan...
mukhang timawa,
pero siya ang hari-hariang laging nakatawa.
2. PONCIO PILATO
Labis kung mag-ingay.
Parang a*ong ulol na tatakutin ka
sa kakakahol ng buhol-buhol.
Kaya mag-ingat, baka biglang mangagat.
Sa huli ay ipapahamak ka,
ngunit hindi ang pangalan niya.
3. HUNYANGO
Laging mag-ingat sa malupit
na pagbabago ng balat, Minsan ahas,
minsan ay kaniyang mukha na iba ang bakas. Sa harap mo, siya'y nakangiti.
Ngunit pagkatalikod mo'y
binabanggit ang galit na masidhi...
Nasaan kaya ang kaniyang budhi???
4. NAMILING o FEELINGERA
Ibig sabihin... MA-FEELING...
feeling maganda, feeling mayaman,
feeling magaling, pwede ring
feeling boss pa siya sa totoong boss...
Minsa'y hindi mawari kung
talaga bang kilala ang sarili o
sadyang mapagkunwari.
5. KUPAL
Pwedeng epal na makapal
lang ang mukha kahit hindi kaya
na napakayabang pang magsalita...
o kaya'y pwede ring sa tigas ng mukha
sa sobrang bilib sa galing niya
ay hindi kayang wasakin sa adobeng panangga! May mga taong nasa taas man o sa baba,
pag napaamo ng akalang amo,
ay susunod na parang a*o...
kahit na ang ginagawa sa iba ay nakakapa*o!
6. MAPANURING MAPANG-URI
Mahalagang maging mapanuri
ngunit WAG KANG MANG-UURI ng kapwa!
Tila sa lahat ay naipamalita mo na
kung gaano kasama ang iyong kapwa,
pero ni minsan ay di nangtanggal
ng dumi sa mukha!
7. BUSANGOT
Kung pinagsadlakan ka ng langit at lupa,
pwede bang wag mong idamay ang iba? Napatid na ang pinakamaliit
na litid sa labi kakangiti sayo,
pero kahit tapunan mo ng tingin ay wala?
Ng ikaw ay hindi na batiin,
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Address
Cabugao
Altavas