MSFS Scholasticate

MSFS Scholasticate

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MSFS Scholasticate, Religious organisation, MSFS Scholasticate Maitim 1 Amadeo Cavite, Amadeo.

Photos from MSFS Scholasticate's post 25/01/2026

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
IKAWALONG ARAW NG PAGDIRIWANG
Sa Karangalan ni San Francisco de Sales
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Sa ikawalong araw ng ating pagdiriwang, ating pinasasalamatan ang Diyos sa halimbawa ni San Francisco de Sales na nagpaalala sa atin na ang kabanalan ay namumukadkad sa kababaang-loob at taos-pusong paglilingkod.

Nawa’y gabayan tayo ng Espiritu Santo upang maging mas bukás ang ating mga puso sa pagtanggap, pakikipagkapwa, at pagkakaisa bilang isang pamayanan.

Sa banal na araw na ito, ating ipinagkakatiwala sa Diyos ang ating kura paroko, si Fr. Allan, at ang kanyang patuloy na paggabay sa ating parokya.

🙏 San Francisco de Sales, ipanalangin mo kami.

Photos from MSFS Scholasticate's post 22/01/2026

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
IKALIMANG ARAW NG PAGDIRIWANG
Sa Karangalan ni San Francisco de Sales
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Sa ikalimang araw ng ating pagdiriwang, patuloy nating pinupuri at pinasasalamatan ang Diyos sa buhay at kabanalan ni San Francisco de Sales, na patuloy na nagiging gabay sa ating paglalakbay ng pananampalataya.

Sa ating sama-samang panalangin, nawa’y mas lalo nating maisabuhay ang kanyang halimbawa ng wagas na pagmamahal, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Sa banal na pagdiriwang na ito, taos-puso nating ipinagdarasal ang ating punong tagapagdiwang, si Fr. Joelvin MSFS, gayundin ang patuloy na pagbuhos ng biyaya ng Diyos sa ating pamayanan, sa bawat pamilya, at sa lahat ng nakikiisa sa pagdiriwang na ito.

🙏 San Francisco de Sales, ipanalangin mo kami.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Amadeo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


MSFS Scholasticate Maitim 1 Amadeo Cavite
Amadeo