Hiraya
This is the official page of Hiraya: Ang Sandigan ng Bawat Kabataan!
22/07/2025
| HULYO 23, 2025
Alinsunod sa memorandum na inilabas MalacaƱang at batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng nararanasang sama ng panahon at pinsala dulot ng , mananatiling kanselado ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan at pasok sa mga pampublikong tanggapan sa buong Bulacan.
Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang operasyon ng mga ahensya ng pamahalaan na may tungkulin sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo, kalusugan, at pagtugon sa mga emerhensiya.
Samantala, ang desisyon kung may pasok ang mga empleyado sa mga pribadong kumpanya ay nakasalalay sa kanilang pamunuan.
Hinihikayat ang lahat na makinig lamang sa mga opisyal na pahayag at sundin ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan para sa inyong kaligtasan.
Mga pinagmulan ng balita na ito:
DILG PHILIPPINES: https://www.facebook.com/share/p/1ZQRJBQgnb/
GOV. DANIEL R. FERNANDO: https://www.facebook.com/share/p/1CKA4Q8YSj/
21/07/2025
Maging alerto, Bulakenyo!
Nananatiling nakataas sa ORANGE WARNING LEVEL ang Lalawigan ng Bulacan ayon sa pinakabagong update mula sa PAGASA (10:45 AM, 21 July 2025, Lunes).
Pinapaalalahanan ang mga Bulakenyo na maging handa sa posibilidad ng pagbaha at paglikas partikular sa mababang lugar.
Manalangin at mag-ingat po tayong lahat!
In case of emergency, narito ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Emergency Hotline:
911
791-0566
GLOBE: 0905-333-3319
SUN: 0942-367-1455
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Encanto, Bulacan
Angat
3014