Angat Municipal Planning and Development Office

Angat Municipal Planning and Development Office

Share

The Municipal Planning and Development Office (MPDO) serves as the backbone of a Local Government Unit.

Photos from Municipal Government of Angat's post 17/08/2025
28/07/2025

CSO accreditation isn't just a stamp of approval, it is our commitment to the people for participative governance. It signifies a government that genuinely listens, represents, and actively involves citizens towards progress, transforming governance into a shared journey, not a solitary path.

Inaanyayahan ang mga Civil Society Organizations (CSOs) sa bayan ng Angat para sa ACCREDITATION ng kanilang samahan.

Ang akreditasyon na ito ay isang proseso kung saan ang isang organisasyon ay sinusuri at kinikilala kung nakakatugon sa mga tiyak na pamantayan ng kalidad na itinakda. Sa pamamagitan ng akreditasyon, maaaring maging bahagi ng local special bodies na binubuo sa Pamahalaang bayan ng Angat ang isang accredited organization. Narito ang mga REQUIREMENTS para dito:
- Letter of Application
- Duly Accomplished Application Form for Accreditation (maaringmakakuha ng kopya sa MPDO o ma-download ang file sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/1zuGkHwP56530wJ5UsRD4AYypnLVrsh-L/view?usp=sharing )
- Duly approved Board Resolution signifying intention for accreditation for representation in local special body/ies
- List of current officers
- Additional Requirements for CSOs operating for more than 1 year:
o 2024 Minutes of Annual Meeting as certified by the organization’s board secretary or Certification from the board secretary certifying the annual meeting’s conduct (stating the date, location, attendees and agenda).
o 2024 Annual Accomplishment Report
o 2024 Annual Financial Statement, at the minimum, signed by the executive officers of the organization indicating the revenue, expenses and the source(s) of funds

Para sa anumang katanungan/paglilinaw/dagdag na impormasyon, maaaring hanapin si G. Vladimir Trinidad ng MPDO o mag-mensahe sa page ng MPDO Angat (mpdo.angat3012).

20/07/2025

Habang papalayo si Crising sa Pilipinas ay nakaranas pa rin tayo ngayong maghapon ng pabugso bugsong pag-ulan dulot ng Habagat. Batay sa weather forecast ng PAGASA, makakaranas pa rin bukas ng pabugso bugsong pag-ulan dahil pa rin sa Habagat. Dahil dito, batay sa pagtitimbang ay minabuti nating isuspinde na rin muna ang face to face classes sa lahat ng antas ng paaralang pampubliko at pribado upang makatiyak sa kaligtasan at ingatan ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Gayunman, ipinapaalala lamang sa mga kabatang estudyante na huwag gawing bisyo ang pagpapasuspinde ng klase. Ang pagsusupinde ng klase ay may mga basehan. Hindi dahil nagsuspinde ang ibang bayan ay magsususpinde na din tayo. Iba iba ang kalagayan ng bawat bayan. Ang suspensyon ng klase ay dumadaan sa masusing pag-aaral ng mga otoridad at tinitimbang nang mabuti, hindi ito nakabatay lang sa pansariling kagustuhan ng Punong Bayan.

Nakakalungkot din na lumalabis na rin ang pagbibitaw ng mga bastos na pananalita ng ilang mga estudyante sa kanilang mga mensahe. Nakikipagbiruan din naman ako sa inyo pero dapat malinaw sa atin ang hangganan ng pagbibiro. Malinaw din dapat sa atin na ang inyong pag-aaral ay dapat binibigyang-prayoridad. Isulit natin ang pagsisikap at paghihirap ng inyong mga magulang na mapag-aral kayo.

Ingat po ang lahat!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Angat?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Angat
3012

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm