Angono Sports Commission

Angono Sports Commission

Share

ANGONO SPORTS COMMISSION

Photos from Angono Sports Commission's post 29/05/2026

Congrats Mathew!

Sa first round palang, napakita na ni MMA professional fighter- Mathew Gellera Gesto ang kanyang lakas at gilas laban sa kanyang katunggali na si Gemar Selanos sa Reign of King sa SM South Mall Event Hall Las Piñas, under Zeus Fight League Promotion, nitong March 29, 2026. Kung kaya naman, kahit meron pang natitirang 3minuto at 41 na segundo, napataob nya ang kanyang nasabing kalaban, gamit ang kisig at talino sa ring. Sabi nga nila, "a quick finish win via armbar submission."

Mabuhay ka, atleta ng ating bayan! Kasama ang mag-amang magkasama sa programa, Mayor Gery Calderon at Vice Mayor Jerimae Calderon, amin kang ipinagmamalaki at ikinararangal sa iyong dedikasyon at tikas sa combat sport! Nawa'y tularan ka ng mga kabataang atleta sa iyong husay, galing at disiplina! Goodluck sa iyong mga susunod pang laban!

Si Mathew ay mula sa Brgy. Mahabang Parang at dating estudyanteng manlalaro ng Wushu- Sanda sa Carlos "Botong" Francisco MNHS. Kasalukuyan syang nagte-train sa The Alpha One Gym at isa syang coach/trainer ng mga batang atleta sa pinanggalingang paaralan.

28/05/2026

Agusan del Sur

Pangalawang Ginto ng Angono Rizal!

Nakamit ng ating estudyanteng manlalaro na si Gerald P. Astorga, mula sa Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School, ang gintong medalya sa larong HIGH JUMP- SNED Category sa Palarong Pambansa 2026.

Mula sa ating bayan, sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon, Vice Mayor Jerimae Calderon binabati ka namin! Mabuhay ang Angono Giants! Mabuhay ang mga estudyanteng manlalaro!

Coach: Sir Pagulayan

Photos from Angono Sports Commission's post 27/05/2026

JUST IN
Agusan del Sur

Congratulations!!! Taekwondo CALABARZON (Palarong Pambansa Representative)

Adrienne Nicoleen P. Bautista
Ernest Victor M. Lunes

Elementary Mixed Pair Category
Gold Medalists

From: Nuestra Señora De Guia Academy

Ang buong Angono, kasama ang Mag-Amang Magkasama Sa Programa, Mayor Gerry Calderon, at Vice Mayor Jeri Mae Calderon, pati na rin ang Angono Sports Commission ay binabati kayo sa inyong nakuhang parangal! Mabuhay ang Angono Giants! Mabuhay ang mga Batang Manlalaro!

26/05/2026

Dalawa sa mga namamayagpag na pangalan sa larangan ng larong basketball sa Palarong Pambansa 2026 sa Probinsya ng Agusan del Sur ang ating mga sariling pambato na sina Dairick Duterte at Paul Gonzales mula sa Angono Giants- Basketball team.

Nag-ambag sila ng mga puntos na ikinapanalo ng Team Calabarzon kontra Central Visayas, 95-86.

Mula sa "Mag-Amang Magkasama Programa," Mayor Gerry Calderon at Vice Mayor Jerimae Calderon, at Angono Sports Commission, binabati namin kayo! Nawa'y galingan nyo pa sa inyong mga susunod na laro! Mabuhay Kayo!

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Angono
1930