MSWDO - Angono
Maagap at Mapagkalingang serbisyong May Puso ♥
24/04/2026
Personal na iniabot ni VM Jeri Mae Calderon ang Financial Assistance para sa isang pamilyang nasunugan sa Barangay Kalayaan. Kaagapay nyo ang Municipality of Angono, Rizal para sa inyong pagbangon.
❤
10/04/2026
WE for Gender Equality and Inclusive Society!
Thank you for celebrating the 2026 National Women’s Month with us. Every activity you join, every voice you raise, and every story you share strengthens our advocacy and helps shape a society where every Filipina can lead and thrive.
Let’s keep the fire of empowerment burning all year long! 💜
10/04/2026
📢 Mas pinaigting na Safer Cities Initiative sa Angono! 🚨
Upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa komunidad, patuloy na pinaiigting ng Lokal na Pamahalaan ng Angono, katuwang ang Philippine National Police ng Angono Municipal Police Station, ang mahigpit at sabayang pagpapatupad ng mga umiiral na lokal na ordinansa. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Sec. Junvic Remulla na naglalayong gawing mas ligtas at maayos ang bawat lungsod at bayan.
Sa ilalim ng programang ito, mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod:
🚫 Ipinagbabawal na ang pag-inom ng alak sa kalsada
🚫 Ipinagbabawal ang pagala-galang ng mga kabataan sa dis-oras ng gabi
🚫 Hindi pinapayagan ang paglabas sa pampublikong lugar nang walang sapat na kasuotan
🚫 Ipinagbabawal ang paggamit ng videoke o malalakas na sound system lampas alas-10 ng gabi
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kapayapaan, maiwasan ang gulo at krimen, at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan—lalo na ang kabataan.
👮♂️Sa tulong ng pinaigting na presensya ng kapulisan at aktibong pakikiisa ng komunidad, inaasahang mas magiging maayos at disiplinado ang ating kapaligiran.
💬 Paalala sa lahat ng Angonoeño: Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sumunod sa mga ordinansa, makiisa sa mga programa ng pamahalaan, at maging bahagi ng pagbabago tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na bayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Angono
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |