Work at Home - Believer

Work at Home - Believer

Share

Inspire and Be Inspired, Be a Believer! Give some tips and basic knowledge of how work at home exists nowadays. Be a Professional Freelancer VA

27/11/2025

Para magkaroon ng idea ang nangangapa, at nahihirapan mag decide ano bang niche ang kailangan niyang pag aralan bilang VA.

Ayan na po ang 10 niches pa lang na listahan sa alam kong kakailanganin ng isang aspiring VA.

25/11/2025

20 VA Hacks Every Beginner Needs to Know 💻

Simple, actionable tips para masimulan mo agad ang iyong Virtual Assistant journey at maging confident sa skills mo.

Noong una kong naisip na maging Virtual Assistant, medyo overwhelmed talaga ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula—paano mag-apply, anong skills ang kailangan ko, o paano ipapakita ang sarili ko online. Ang alam ko lang, gusto kong magkaroon ng freedom sa work-from-home, kumita ng extra income, at makasama pa rin ang pamilya.

At na share ko na rin yan sa inyo ng pang ilang beses, di po ba nakukulitan na rin kayo sakin?😁 at ito na nga para lang makapag bigay ng inspirasyon sa iba.

Sinimulan ko sa simpleng hakbang at pamamaraan, tiningnan ko kung ano na ang kaya kong gawin, at in-assess ko kung ano pa ang dapat kong matutunan. Sumali ako sa mga online VA communities, pinanood at pinag-aralan kung paano nagwo-work ang mga experienced VAs, at unti-unti kong binuo ang portfolio ko kahit sample works lang muna. May mga araw na frustrasyon ang naramdaman ko, pero bawat maliit na hakbang ko ay naglapit sa akin sa unang client ko.

Sa journey na ito, natutunan ko ang ilang strategies na sobrang nakatulong para maging smooth at professional ang workflow. Kaya gusto kong ibahagi sa inyo ang 20 practical tips na makakatulong sa kahit sino na nagsisimula bilang VA:

1. Alamin ang dahilan mo—income, freedom, o flexibility para sa pamilya.

2.I-assess ang skills mo—ano na ang kaya mo at ano pa ang dapat matutunan.
At dito ay nagbahagi ako sa inyo ng Self- Discovery Template i-check mo at malaki ang tulong nito sayo.
https://forms.gle/N8WA2GSbz781Kaco6

3. Piliin ang niche para mas makilala ka sa industry.

4.Mag-create ng simple portfolio kahit sample works pa lang.

5. Gumawa ng magandang resume at optimized CV para sa online hiring.

6. Ayusin ang LinkedIn profile—dapat malinaw ang headline mo bilang VA.

7. Sumali sa freelancing groups para ma-expose sa opportunities.

8. Gumawa ng routine para sa learning, applications, at portfolio updates.

9. Gumamit ng project management tools tulad ng Trello, Notion, o Asana.

10. Magkaroon ng branded templates para sa email, proposals, at SOPs.

11. Mag-aral ng isang core skill consistently (Admin, Social Media, Email, Customer Support, etc.).

12. Mag-apply kahit wala pang experience—pero may sample works.

13. Magkaroon ng clear onboarding process para professional agad.

14.Matutong gumawa ng personalized proposals (hindi generic).

15.Gamitin ang AI tools para mapabilis ang tasks.

16.Panatilihin ang professionalism sa communication (email/chat).

17.Mag-set ng boundaries sa client (working hours, revisions).

18.-price ng tama—huwag masyadong mababa.

19.I-track ang progress weekly para hindi ma-burnout.

20.Patuloy na mag-aral at mag-upskill dahil mabilis nagbabago ang digital world.

Ang pagsisimula bilang VA ay nakaka-intimidate, pero kung susundin mo ang mga tips na ito, magkakaroon ka ng confidence, mas madali kang makakakuha ng clients, at unti-unti mong mapapalago ang career mo.

Disclaimer: Hinde ako isang coach, malayo pa para sa pangarap ko pero malapit para maging mentor mo😁😎
Inspire and Be Inspired, Be a Believer!

15/11/2025

Gusto ko lang i-share at pang inspire na rin. para sa mga taong natatakot na humakbang para sa pagbabago.

Kaya basahin mo ito baka matablan ka parang ako...

🌊 “Hindi mo madidiskubre ang bagong dagat kung hindi ka handang lumayo sa pampang.”

Marami ang gustong magkaroon ng bagong dagat—bagong oportunidad, bagong career, bagong resulta—pero kakaunti lang ang handang bitawan ang kinagisnang “pampang.”

Ang katotohanang ito (hindi malinaw kung sino talaga ang orihinal na gumawa ng quote) ay makikita sa halos lahat ng kuwento ng mga taong nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay.

Halimbawa, si Reed Hastings, co-founder ng Netflix.
Bago pa naging kilala ang Netflix, iniwan niya ang isang matagumpay na software company na siya rin ang nagtatag (Pure Software). Sabi niya, doon siya mas naging mapagpakumbaba at natuto na kailangan niyang bitawan ang lumang paraan ng pamumuno. Dahil sa mindset shift na ’yon, nabuo ang kultura sa Netflix na nagpasimula ng malaking pagbabago sa streaming at content.

Ganun din kay Mary Barra ng General Motors.
Pag-upo niya bilang CEO, puno pa rin ang GM ng lumang sistema at lumang mindset. Nang ilayo niya ang kumpanya mula sa mga nakasanayan nitong proseso, nagawa nilang magdesisyon na maging all-electric sa hinaharap—isang napakatapang na hakbang. Hindi iyon “pampang.” Isa iyong bagong dagat.

At kahit ang neuroscience, sinasabi rin ang parehong bagay:

🧠 Ang utak ng tao ay programmed para sa safety, hindi para sa pagbabago.
Ipinapakita ng mga pag-aaral na mas nagiging alerto ang utak kapag may uncertainty. Kaya mas “safe” sa pakiramdam ang manatili sa pampang, kahit minsan ito ang pumipigil sa atin.

🧪 Pero ang growth, nandun sa discomfort.
Pinatunayan ng research na ang utak ay bumubuo ng bagong connections kapag may challenge. Hindi sa comfort zone. Literal na kailangan ng “bagong wiring” para marating ang bagong dagat.

📈 At ganito rin ang pattern sa innovation, career transitions, at high performance:
Kung hindi ka lalayo sa nakasanayan, hindi mo maaabot ang mas mataas na level.

Kaya eto ang tanong:

👉 Ano ang patuloy mong hinahawakan kahit nalampasan mo na?
👉 Anong oportunidad ang naghihintay pero hindi mo matuntungan dahil natigil ka sa gitna?
👉 Anong desisyon ang paulit-ulit mong pinapabukas dahil masyadong “safe” ang pampang?

Ang tapang ay hindi kawalan ng takot.
Ang tapang ay pagpili na gumalaw kahit natatakot ka.

Lahat ng dagat na hinahangaan mo ay natuklasan ng taong hindi na nakuntento sa pampang.

🌊✨ Kung gusto mo ng ibang buhay, hindi ka puwedeng manatili sa parehong lugar.
Kung gusto mo ng bagong dagat, kailangan mong bitawan ang lumang pampang.

Gumalaw ka.
Hindi kapag ready ka—
kundi kapag naramdaman mong kailangan mong simulan.

Photos from Work at Home - Believer's post 13/11/2025

The Three Major Mindset Shifts for Aspiring VAs

Handa ka na bang i-shift ang mindset mo at mag-level up bilang Virtual Assistant?

Maraming aspiring Virtual Assistants ang nagsisimula na puno ng excitement pero madalas, natatakot din. “Paano kung wala akong experience?” “Baka hindi ako magaling sa English.” “Saan ako magsisimula?”

Kung ikaw ‘yan you’re not alone. Kasi ang totoo kahit ako ay dumanas din sa ganyan at hanggang ngayon ay nafefeel ko pa rin yan 😂 pero sabe ko sarili ko kung sila nga kinaya nila bakit di ko subukan at kakayanin ko rin kung ano man maging resulta at least nag try ako di ba?

Ang totoo, hindi skills lang ang kailangan para magtagumpay bilang VA, mindset ang unang hakbang. Narito ang tatlong major mindset shifts na kailangan mong gawin para makasabay at umangat sa VA world at ang mga ito ay isa sa mga naging weapon ko, naks parang makikipaglaban no? 😀

Seryoso na, ito ay nakatulong din sakin para mabuo ang sistemang ito, para sakin mas maganda ng mabago umpisa pa lang ang mindset mo kasi sa totoo lang kung sasabay ka sa mga nauna malamang mapag iwanan ka at man-liit ka sa sarili mo. Realtalk lang tayo dito.

Kaya kung sa tingin mo makakatulong 'to para sayo ang post na ito, wag ka na mahiyang magbasa hanggang dulo okay. Kasi libre lang naman yan at kung magustuhan niyo ay mayroon na akong ni ready na worksheet template para sa inyo mag comment lang kayo ng worksheet at malaya kong ibibigay sa inyo ng libre ang mga ito.

Sooo! paano mo ma-umpisahan baguhin ang mindset mo?

1. From Employee to Entrepreneur Mindset

“Ready ka na bang mag-isip tulad ng isang business owner, hindi lang empleyado?”

Bilang VA, hindi ka na nagtatrabaho para sa isang boss — nagtatrabaho ka kasama ng client bilang partner.

Ang ibig sabihin nito, ikaw ang may control sa oras mo, sa clients na pipiliin mo, at sa services na iaalok mo.

Simulan mong ituring ang sarili mo bilang isang service provider.

Gumawa ng portfolio, ayusin ang online presence mo, at i-develop ang skills na makapagbibigay ng value sa clients. Kapag nagawa mo ang mga ito, mas magiging confident ka humarap sa opportunities.

2. From “I Need a Job” to “I Offer a Solution” Mindset

“Alam mo ba kung anong problema ang kaya mong solusyunan para sa isang business owner?”

Maraming aspiring VA ang nakatuon lang sa paghahanap ng trabaho — pero ang mga successful VA, nakatuon sa pagbibigay ng solusyon.

Ang mga clients ay naghahanap ng problem-solvers, hindi lang ng task-doers.

Alamin kung anong pain points ng mga business owners.

Halimbawa, nahihirapan silang mag-manage ng schedule, mag-handle ng social media, o mag-follow up ng emails — kung kaya mo ‘yan, you’re the solution they need!

I-position mo ang sarili mo bilang “I can help you grow your business,” hindi lang “I need work.”

3. From Fear to Growth Mindset

Kadalasan ang Katanungan ay ito…

“Paano kung hindi mo pa alam lahat — ititigil mo na ba?” Maraming VAs ang hindi nakakaumpisa dahil takot magkamali o matalo sa competition.

Pero tandaan mo — lahat ng expert, nagsimula sa pagiging beginner.

Embrace learning. Gamitin ang bawat challenge bilang stepping stone.

Mag-enroll sa free courses, gumawa ng checklist at mag self-discovery, at higit sa lahat sumubok kahit hindi pa perfect.

Ang importante ay consistent progress, hindi perfection.Ang pagiging successful VA ay hindi lang tungkol sa skills, kundi sa mindset na handang matuto, magbago, at mag-level up.

Kaya tanungin mo ang sarili mo ngayon:

“Anong kailangan kong simulan ngayon para maging next-level VA ako?”

Dahil once you shift your mindset — everything else follows.

0o nga po pala kung kayo ay hinde pa nakapag register para makakuha ng Free Self- discovery template register lang po kayo sa link na ito
https://forms.gle/TeY4TEtXckRzc2gh7 at ibibigay ko pa rin ng buong buo at free ang template na yan.

08/11/2025

Tayo po ay magpa-lakasan ng pananampalataya mga kapatid.
Mag bigay po muna tayo ng panalangin sa panahon ngayon na bagyong na super typhoon.

Tara samahan niyo ako manalangin.

Lord, sa oras ng matinding bagyo, kami ay lumalapit sa Iyo na may pusong nagtitiwala. Ikaw ang aming kanlungan at sandigan sa bawat unos.

Habang humahampas ang ulan at humahaginit ang hangin, ipaalala mo sa amin na walang bagyong mas malakas kaysa sa Iyong kapangyarihan.

Panginoon, ipagkaloob mo ang Iyong proteksyon sa bawat pamilya, sa mga bata, matatanda, at sa mga nawalan ng tahanan. Ipadala mo ang iyong mga anghel upang magbantay sa bawat isa.

Palakasin mo rin ang mga kamay ng mga rescuer, volunteer, at mga lingkod-bayan na buong pusong tumutulong sa oras ng kalamidad. Bigyan mo sila ng kaligtasan, karunungan, at malasakit sa kanilang paglilingkod.

Turuan Mo kaming magkaisa, magtulungan, at manampalataya na sa gitna ng unos ay may Diyos na tapat at kailanma’y di pababayaan ang kanyang bayan at mga anak.

Ito po ang samu't dalangin.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Mga Work at Home - Believer
keep safe po at manatiling alerto.

May God protect you and your family🙏

Want your business to be the top-listed Media Company in Angono?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Rizal
Angono
1970