ANDAMYO
The Official Student Publication of Antipolo Institute of Technology (AiTECH)
25/09/2025
BAGONG BALITA| Pekeng page ng AiTECH, Binabalaan ng SGA
Ipinapaalala ng Student Government of AiTECH (SGA) na ang page na “AiTECH Counsel” ay hindi opisyal at walang pahintulot sa paggamit ng logo at simbolo ng SGA.
Pinayuhan ang lahat ng estudyante na i-report at i-block ang page at ang posibleng admin nitong si Marfritz Bueles.
Pinaalalahanan din ng administrasyon at ng SGA ang mga estudyante na huwag makipag-ugnayan sa anumang post ng nasabing FB page at tanging sa opisyal na mga pahina at anunsiyo lamang ng AiTECH at SGA dapat kumukuha ng impormasyon. Layunin nitong mapanatili ang tamang daloy ng komunikasyon at maiwasan ang maling impormasyon sa komunidad ng AiTECH.
09/09/2025
FAST TALK 2025| Oo, Hindi, at ang Katotohanan sa Likod ng mga Kandidato
Sa mga nagdaang taon, isinasagawa ang Candidate Spotlight ilang araw bago ang Insight Exchange. Layon ng Candidate Spotlight na alamin ang pulso ng bawat kandidato hinggil sa ilang usapin na may kaugnayan sa estado ng kabuuan ng mag-aaral sa AiTECH at bilang isang lider.
Subalit para sa edisyon ngayong taon, minabuti na isagawa ang bahaging ito sa mismong araw ng Insight Exchange upang masubok ang kanilang paninindigan sa sariling pananaw ukol sa mga mahahalagang usapin. Nahahati ito sa dalawang bahagi: Yes or No, at One-Word.
Sa kabilang banda, dito rin ating mapapahapyawan kung anong klase nga ba sila bilang isang lider? Madali nga lang ba sa kanila ang sumang-ayon at sumagot ng 'oo' para mapanatili ang magandang imahe? Sa positibong aspeto ng pamununan nga lamang ba laging nakatuon ang lente? O baka pwede rin naman aminin na kung minsan hindi lahat aayon sa kagustuhan ng nakararami. Paano mapapanindigan ang pagiging boses ng kabuuan kung may takot na ilantad ang iilang kabuktutan ng sistema?
Siyasatin nang maigi ang kanilang mga naging kasagutan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the university
Website
Address
Sitio Cabading, Brgy. San Jose
Antipolo
1870