Rural Health Unit - RHU Aritao

Rural Health Unit - RHU Aritao

Share

A government-owned health center that is intended to increase access to primary care services.

25/05/2026

We have a Spine Specialist on Friday.

Date: May 29, 2026
Time: 9:00 AM to 12:00 PM
Venue: Aritao Rural Health Unit

Sa mga mayroon na pong dating medical records at imaging results tulad ng X-ray, CT scan, o MRI, mangyaring pakidala po ang mga ito para sa mas maayos na assessment.

Photos from PhilHealth Regional Office 4A's post 12/05/2026

👍SAGOT NI PHIL!

📄Paano nga ba magkaroon ng kopya ng inyong Member Data Record?

✅Narito ang mga paraan upang magkaroon ng kopya ng inyong Member Data Record:
1. I-type sa Web Browser ang www.philhealth.gov.ph
2. I-click ang Online Services.
3. I-click ang Register/Login sa ilalim ng Membership Member Portal.
4. Mag log-in gamit ang iyong PhilHealth Identification Number, kung hindi pa registered sa Member Portal ay maaaring i-click ang Create Account upang makapag-create ng iyong Member Portal Account.
❗PAALALA: Kung hindi pa miyembro ng PhilHealth ay maaaring i-click ang PhilHealth Member Registration o magparehistro sa mismong tanggapan ng PhilHealth.
5. I-click sa kaliwang bahagi ng Website ang Member Information.

👍Maaari na ninyong ma-access ang inyong Member Data Record, maaari na rin itong ma-download o ma-print.

✅Maaari ding magrequest ng Member Data Record(MDR) sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth sa inyong lugar.

🌐Maaaring bisitahin ang link ng Official Website ng PhilHealth para sa iba pang impormasyon.
https://www.philhealth.gov.ph/

25/04/2026

Ang ketong ay kayang gamutin — sinuman kayang gumaling! 💖

Ang Leprosy Control Week ay ipinagdiriwang sa huling linggo ng Pebrero. 🎗️ Magkaisa tayo upang wakasan ang stigma at diskriminasyon laban sa mga taong may ketong. 🤝

Ang ketong ay nagagamot, ngunit ang patuloy na stigma ay nagdudulot ng hirap sa mga naaapektuhan. Sa halip, dapat nating:
📖 Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa ketong.
💕 Iwasan ang panghuhusga kundi suportahan natin ang may ketong.
🩺 Hikayatin ang pagpapatingin para sa maagang gamutan.

Tandaan: Kung may sintomas ng ketong, huwag mag-atubiling magpakonsulta agad sa doctor. Kapag nagsimula ka na sa gamutan, hindi ka na nakakahawa at pwedeng maiiwasan ang malubhang kapansanan. 🏥 💊

Sama-sama nating itaguyod ang pag-unawa, pagkalinga, at pag-asa para sa lahat! 🫂 💕

Want your organization to be the top-listed Government Service in Aritao?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Aritao
3704