DepEd Tayo Tagbakin ES - Quezon

DepEd Tayo Tagbakin ES - Quezon

Share

This is the official FB Page of Tagbakin ES in compliance with RM No. 336, s. 2020.

Photos from DepEd Tayo Tagbakin ES - Quezon's post 16/02/2026

πŸ‘‘βœ¨ Sino ang tatanghaling Mr. & Ms. Tagbakin ES 2026? βœ¨πŸ‘‘

Kilalanin ang mga kabataang may angking talino, talento, at puso para sa ating paaralan.

Magkita-kita tayo sa February 20, 2026 | 1:00 PM sa Brgy. Tagbakin Covered Court para sa isang makulay at makabuluhang selebrasyon! πŸŽ‰

Ipakita ang suporta at palakpakan ang ating mga pambato! πŸ‘πŸ‘‘

Photos from DepEd Tayo Tagbakin ES - Quezon's post 31/01/2026

Parini na po sa ating paaralan at magpatala! ☺️

Photos from DepEd Tayo Tagbakin ES - Quezon's post 21/01/2026

🎨✨ HANDOG NG SINING, HANDOG AY GALING! ✨🎨

Ipinagmamalaki ng Tagbakin Elementary School ang nalalapit na Arts Month Celebration ngayong Pebrero 2026 na may temang
β€œAni ng Sining: Katotohanan at Giting.”

Handa na ba kayong masilayan at maranasan ang husay, imahinasyon, at tapang ng ating mga mag-aaral?
Narito ang ilan sa mga kapana-panabik na gawain na ating aabangan:

πŸ–ŒοΈ Poster & Recycled Arts Making
🎭 Dula-Dulaan at Spoken Poetry
πŸ–οΈ On-the-Spot Drawing at Coloring
🎢 Awitan at Sayawan ng mga Mag-aaral
πŸ–ΌοΈ Sining Exhibit tampok ang likha ng ating mga batang alagad ng sining

Sama-sama nating ipagdiwang ang sining bilang salamin ng katotohanan, at simbolo ng giting at talento ng kabataang Pilipino!

Abangan ang mga detalye at makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Arts Month 2026!

Photos from DepEd Tayo Tagbakin ES - Quezon's post 20/01/2026

TAGBAKIN ELEMENTARY SCHOOL EARLY REGISTRATION | SY 2026–2027
Enero 31 – Pebrero 27, 2026

Makapag-aral ay KARAPATAN MO! Magpalista na!
inaanyayahan ang mga magulang o guardian ng mga bata para magpatala.

πŸ“Œ Kindergarten
AGE CUT-OFF
– Limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2026

⚠️ Exception (Extended):
Puwede pa ring tanggapin ang batang magiging 5 taong gulang mula November 1–December 31, 2026 kung:
β€’ Nakapagtapos ng 1 taon sa ECCD Program, o
β€’ Pumasa sa ECD Checklist na isasagawa ng Kinder teacher sa enrollment hanggang sa unang linggo ng klase.
πŸ“Œ Paalala:
Ginagawa ito upang masiguro na handa ang bata sa Kindergarten.

πŸ“ŒGrade 1
– Mga batang magtatapos ng Kindergarten sa SY 2025–2026

πŸ“„ MGA KAILANGANG DOKUMENTO
πŸ“ Grade 1:
β€’ PSA Birth Certificate
β€’ ECD Form
β€’ Accomplished Early Registration / Enrollment Form

πŸ“ ALS / Balik-Aral / Transferees:
β€’ PSA Birth Certificate
β€’ Report Card mula sa huling baitang na pinanggalingan
β€’ Accomplished Early Registration / Enrollment Form

Want your school to be the top-listed School/college in Atimonan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Brgy. Tagbakin
Atimonan
4331

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm