ISHRM Student Council
The official page of the ISHRM School System Student Council.
12/06/2026
🇵🇭 𝐅𝐑𝐄𝐄𝐃𝐎𝐌 𝐖𝐀𝐒 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐅𝐑𝐄𝐄𝐋𝐘 𝐆𝐈𝐕𝐄𝐍—𝐈𝐓 𝐖𝐀𝐒 𝐄𝐀𝐑𝐍𝐄𝐃 𝐓𝐇𝐑𝐎𝐔𝐆𝐇 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐀𝐆𝐄, 𝐒𝐀𝐂𝐑𝐈𝐅𝐈𝐂𝐄, 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐍 𝐔𝐍𝐖𝐀𝐕𝐄𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐂𝐎𝐔𝐍𝐓𝐑𝐘. 🇵🇭
Mahigit isang siglo na ang lumipas mula nang iwagayway ang 𝘸𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯, ngunit nananatiling buhay sa kasaysayan ng ating bansa ang diwa ng katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan na ipinamana ng ating mga bayani.
Ngayong 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang makamtan ang kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Ngunit sa paglipas ng panahon, mapapaisip tayo—
Tunay nga bang tayo ay malaya na?
Tunay bang may pagmamahal pang natitira para sa bayan?
Tunay bang buhay pa sa puso ng bawat Pilipino ang pagiging makabayan?
Nasaan ang mga naninindigan para sa katotohanan?
Nasaan ang mga naglilingkod nang walang pag-iimbot?
Wala.
Wala na.
O baka… unti-unti na lamang itong nakakalimutan.
Ngunit hindi pa huli ang lahat.
Hindi natatapos ang laban sa pagkamit ng kalayaan. Ito ay nagpapatuloy sa bawat Pilipinong pinipiling 𝒎𝒂𝒏𝒊𝒏𝒅𝒊𝒈𝒂𝒏 para sa tama, 𝒎𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 sa panahon ng pagsubok, at 𝒎𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 nang may tunay na pagmamahal sa bayan.
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐𝟖 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧!
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬! 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨! 🇵🇭✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bacoor
4102
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 4pm |
| Wednesday | 9am - 4pm |
| Thursday | 9am - 4pm |
| Friday | 9am - 4pm |