Kuyadan
ytchannel:kuyadan official
Habang nagkakaedad tayo, lalo tyong tumatahimik. Totoo ngang life humbles you deeply as you age. Mare-realize mo kung gaano karaming walang kwentang bagay ang sinayangan mo ng oras kse ang nasa isip lang natin noon masaya tayo. Ganadong pumorma at feeling laging kailangan sa tambayan😁
The good thing after ng realization na yan, natutunan na nating tanggapin ang mga bagay-bagay kung ano talaga sila at natigilan na ring ipilit yung mga pagkakaibigan at connections sa ibang tao na pwede nmang wala sa buhay nten. Kumbaga.. Kung sinong andyan, sila nalang❤️
Ang sarap pala matulog sa gabi kapag malinis ang konsensya at payapa ang isip.
Yung wala kang kailangang isipin na mali, wala kang kailangang itago, at lalong wala kang kailangang patunayan sa kahit kanino.
Tahimik lang ang buhay, pero totoo at maayos. Iba yung peace of mind na hindi mo kailangang ipagsigawan—kusa na lang mararamdaman.
Habang yung iba, abala sa ingay, issue, at paggawa ng kwento, ako pinipili ko na lang ang tahimik at masayang buhay.
Hindi lahat ng tahimik, talo—minsan, sila lang yung walang kailangang ipaliwanag. Kasi sa dulo ng araw, ang tunay na panalo—yung mahimbing ang tulog gabi-gabi, walang bumabagabag na konsensya. 🌙✨
29/04/2026
Mas nauunawaan ko na ngayon
kung bakit nangyayare.
Kung bakit
kailangan masanay ako sa pagkatalo—
Dahil siguro nga,
ganito talaga ang ikot ng mundo.
Ipaparanas muna sa'yo
ng maraming beses
ang pagkabigo
bago ka makarating sa dulo.
Na tulad din ng iba,
hindi rin nagiging perpekto ang proseso.
Cheers 🍻
sa mga laban
na tahimik nating pinapalagan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
172 Tabing Dagat Bacoor City
Bacoor
4102