PF4 Nutrition Programs
Nutrition Education, awareness and Nutrition activities
10/07/2026
🍝🥬 NUTRIRECIPE | DAY 11
Nakapag-isip na ba kayo ng lulutuin mamaya? 🤔🍽️
Kung wala pa, subukan natin ang inihandang Healthy Vegetable Pancit ng ating BHW na si Diana! 👩🍳💚
Ang Healthy Vegetable Pancit ay mas pinasustansya sa pamamagitan ng pagdaragdag ng repolyo, carrots, at sitaw. Bukod sa masarap at abot-kaya, nagbibigay rin ito ng fiber, bitamina, at mineral na kailangan ng ating katawan upang manatiling malusog at masigla.
🌿 NutriTip:
Mas maraming gulay, mas maraming sustansya! Gumamit ng iodized salt at bawasan ang mantika upang maging mas healthy ang inyong pagkain.
📢 Abangan!
Ayraw-araw ay magbabahagi ang mga miyembro ng Barangay Nutrition Committee (BNC) ng iba’t ibang masustansyang recipe na madaling lutuin, abot-kaya, at swak para sa buong pamilya. Sama-sama nating gawing mas malusog ang bawat hapag-kainan!
💚 Araw-araw na NutriRecipe, Sama-samang Lulutuin para sa Mas Malusog na Pamilya!
09/07/2026
🍫🐟 NUTRIRECIPE | DAY 10
🌾 Champorado na may Dried Fish
Masustansya, nakakabusog, at handa sa panahon ng sakuna!
Maulan na naman! ☔ Walang tatalo sa isang mangkok ng mainit na Champorado na may Dried Fish. Bukod sa pagiging paboritong comfort food ng mga Pilipino, ito rin ay nagbibigay ng enerhiya at mahahalagang sustansya na kailangan ng buong pamilya.
💚 Bakit masustansya ang Champorado na may Dried Fish?
🍚 Malagkit na bigas – Nagbibigay ng enerhiya upang manatiling aktibo.
🍫 Tablea o cacao – Mayaman sa antioxidants na tumutulong sa pangangalaga ng kalusugan.
🐟 Dried Fish (Tuyo/Tinapa) – Pinagmumulan ng protina at mahahalagang mineral.
🧂 Iodized Salt – Tumutulong sa pag-iwas sa iodine deficiency at mahalaga sa normal na paglaki at pag-unlad.
🆘 NutriTip sa Panahon ng Sakuna:
Mag-imbak ng mga pagkaing madaling ihanda tulad ng bigas, tablea o cocoa, dried fish, at iba pang pagkaing may mahabang shelf life. Huwag kalimutang gumamit ng iodized salt sa pagluluto upang makatulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng buong pamilya.
💚 Masustansya. Masarap. Abot-kaya.
Sa bawat mangkok ng champorado, may init, sustansya, at pagmamahal para sa pamilya.
🌿 Araw-araw na NutriRecipe, Sama-samang Lulutuin para sa Mas Malusog at Mas Handang Pamilya!
08/07/2026
🍽️ ARAW-ARAW NA NUTRITION PAYO | DAY 9 🍽️
🧂🍭🛢️ Iwasan ang sobrang alat, tamis, at mantika para sa mas malusog na pangangatawan.
Ang labis na pagkain ng maaalat, matatamis, at mamantikang pagkain ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit tulad ng high blood pressure, diabetes, sakit sa puso, at obesity. Ang pagpili ng masustansya at balanseng pagkain ay susi sa mas malusog na pamumuhay.
💚 Mga simpleng hakbang para sa mas malusog na pagkain:
🥗 Dagdagan ang gulay at prutas sa bawat pagkain.
🐟 Pumili ng isda, manok, at iba pang pagkaing may sapat na protina.
🧂 Bawasan ang paggamit ng asin sa pagluluto.
🥤 Piliin ang tubig kaysa matatamis na inumin.
🍳 Gumamit ng kaunting mantika at mas piliin ang pag-singaw, pagpapakulo, o pag-ihaw kaysa pagprito.
🌿 Ang maliliit na pagbabago sa ating pagkain ngayon ay malaking hakbang tungo sa mas malusog na pamilya at komunidad.
🍃 Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Bacoor
4103