Municipal Health Office - Balayan
Provision of Basic Health Services
Kaganapang pangkalusugan sa Bayan ng Balayan!
Ramdam na ramdam ang tunay na kalinga sa ating bayan! Hindi na kailangang pumunta pa sa RHU dahil ang mga programa tulad ng Bantay Sigla: 1,000 at libreng gamot ay diretso nang hinahatid ng MHO Balayan sa ating mga barangay.
Naghatid din ng libreng Chest X-ray ang ating mga health workers para sa mga residente ng Barangay Baclaran upang masigurong ligtas at malusog ang baga ng bawat isa.
Bukod dito, isang malaking pasasalamat din sa mga bayaning Balayano na nag-alay ng kanilang dugo sa ating Monthly Blood Donation Activity nitong Mayo 27 sa Walter Mart Balayan. Ang bawat patak ng inyong dugo ay dugong nagbibigay-buhay sa ating komunidad!
Sa pamumuno ni Mayora Lisa Ermita-Abad, patuloy nating bibigyang-diin ang kahalagahan ng bawat buhay—mula sa unang 1,000 araw ng sanggol hanggang sa proteksyong hatid ng PhilHealth at Programang YAKAP.
Abangan ang health caravan sa inyong lugar! Stay healthy!
27/05/2026
🩸 𝐆𝐢𝐯𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝, 𝐆𝐢𝐯𝐞 𝐇𝐨𝐩𝐞: 𝐓𝐨𝐠𝐞𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐖𝐞 𝐒𝐚𝐯𝐞 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐬
𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Isang taos-pusong pasasalamat mula sa 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 sa lahat ng nakiisa sa ating 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦.
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 kay 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐄𝐥𝐢𝐬𝐚 𝐄𝐫𝐦𝐢𝐭𝐚-𝐀𝐛𝐚𝐝, sa 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧, Liga ng mga Barangay,
mga BHWs, Brgy. Blood Coordinators, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 at 𝐖𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐌𝐚𝐫𝐭 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 sa walang sawang suporta.
At higit sa lahat, saludo kami sa 𝟔𝟑 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬 ang tunay na bayani ng araw na ito. ❤️
Ang bawat patak ng 𝐃𝐔𝐆𝐎🩸 ay katumbas ng 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 at 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲.
Sama-sama tayong magpatuloy sa 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲, 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭, at 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧.
𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐎𝐑𝐒! 💪🩸
Bantay Sigla 1,000: Serbisyong Ligtas ang Ina at Sanggol sa Alagang pangkalusugan ng Bagong Balayan
Noong ika-17 ng Abril 2026 (Biyernes), matagumpay na isinagawa sa Barangay Patugo, Balayan, Batangas ang pilot testing ng programang Bantay Sigla 1,000—isang inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayora Lisa Ermita-Abad.
Sa nasabing aktibidad, nabigyan ng integrated health services tulad ng check-up, immunization, dental at nutrition services, kabilang ang iron supplementation at iba pang serbisyo mula sa Rural Health Office Balayan
Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilya sa Balayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Plaza Mabini Street , Poblacion 4
Balayan
4213
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |