DepEd Calan ES - Batangas Province
DepEd Calan ES - Batangas Province is the official page of Calan Elementary School in accordance with DepEd Order No. 007 s. 2026.
11/07/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Congressman Leandro Legarda Leviste sa inyong taos-pusong suporta at malasakit sa mga mag-aaral ng Calan Elementary School sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga school supplies.
Ang inyong kabutihang-loob ay malaking tulong upang maging handa ang aming mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at magsilbing inspirasyon upang lalo silang magsikap na maabot ang kanilang mga pangarap. Higit pa sa mga kagamitang natanggap, ang inyong pagkalinga ay nagbibigay ng pag-asa at motibasyon sa buong komunidad ng aming paaralan.
05/07/2026
Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.
Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.
Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf
03/06/2026
Sa ngalan ng aming paaralan, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa Pugad Lawin sa Balayan para sa pagiging bukas-palad na suporta at donasyon. Ang inyong kabutihang-loob ay malaking tulong upang maging maayos, ligtas, at handa ang aming paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Ang inyong malasakit sa edukasyon ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa aming mga mag-aaral. Maraming salamat po sa pagiging katuwang namin sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan.
Maraming maraming salamat po! 💚
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Calan
Balayan
4213
Opening Hours
| Monday | 6am - 5pm |
| Tuesday | 6am - 5pm |
| Wednesday | 6am - 5pm |
| Thursday | 6am - 5pm |
| Friday | 6am - 5pm |