NTP Atbp-Aurora

NTP Atbp-Aurora

Share

it's all about Health

08/08/2025

Schedule of FREE Chest X-ray❗❗❗

August 12, 2025
Florida Covered Court
Maria Aurora , Aurora

August 13, 2025
Bangco Covered Court
Maria Aurora, Aurora

August 28, 2025
AM: Castillo
PM: Cemento
Baler, Aurora

August 29, 2025
Suklayin Covered Court
Baler, Aurora














.

Photos from NTP Atbp-Aurora's post 19/06/2025

" Kilatis Kutis Campaign"
June 18, 2025

Ang Provincial Health Office of Aurora katuwang ang Department of Health at Municipal Health Office ng Maria Aurora ay nagsagawa ng "Kilatis Kutis Campaign" kasama ng iba pang Serbisyo Medikal na isinagawa sa Brgy. Decoliat, Maria Aurora, Aurora sa pamamagitan ng programa ng Pamahalaan na PuroKalusagan.

Ang kampanyang ito ay isang tuluy-tuloy na pagsisikap ng DOH na isulong ang kahalagahan ng kalusugan ng balat bilang bahagi ng Leprosy Prevention and Control Program ng kagawaran. Layon nitong hikayatin ang publiko na kumonsulta sa mga lokal na Rural Heath Unit o Municipal Health Office para sa anumang alalahanin o problema sa balat upang agarang masuri at malapatan ng karampatang lunas.

Nakapaloob sa Kilatis Kutis Campaign na isinagawa, ang iba’t ibang aktibidad tulad ng Leprosy Awareness na nilahukan ng mga close contact ng mga leprosy clients, Barangay Health Workers (BHWs), mga opisyal ng barangay, at mga barangay tanod. Nagkaroon din ng Active Case Finding (ACF) ang mga kasamang trained health personnel, katuwang ang ating mga Doctor ng RHU at DOH, kung saan sinuri ang mga lokal na may suliranin sa balat at naitala din ang mga kailangang sumailalim sa Slit Skin Smear.
Tayo ay nakapagsuri ng 66 na indibidwal na may problema sa balat.

Ang Slit Skin Smear ay isang medikal na pagsusuri na libreng isinasagawa sa Aurora Memorial Hospital at mayroon din sa Dingalan Community Hospital. Ginagamit ito upang matukoy ang presensya ng bakterya na nagdudulot ng leprosy o Hansen’s disease sa pamamagitan ng pagkuha ng isang maliit na hiwa ng balat, karaniwan sa mga apektadong bahagi, at ang pagsusuri nito sa ilalim ng mikroskopyo.

Maraming Salamat sa mga nakasama at tumulong sa pagsasagawa ng aktibidad na ito.

Photos from NTP Atbp-Aurora's post 15/04/2025

Congratulations po Mho Dipaculao, Aurora
👏👏👏
DOH Certified TB Facility

Want your organization to be the top-listed Government Service in Baler?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Brgy Reserva
Baler
3200